Paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo, aarangkada sa Martes

Paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo, aarangkada sa Martes

December 26, 2022 @ 11:38 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng mga kompanya ng langis nitong ang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo, sa ikalawang sunod na linggo ng taas-presyo sa gasolina at kerosene.

Sa abiso, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. na itataas nito ang presyo kada litro ng gasolina ng P0.95 at kerosene ng P0.50, habang bababa naman ang diesel ng P0.20.

Epektibo ito mula alas-6 ng umaga sa Martes, Disyembre 27.

Wala pang anunsyo ang ibang kompanya tungkol dito. RNT/SA