Paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo, aarangkada sa Martes

Paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo, aarangkada sa Martes

November 7, 2022 @ 12:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Tataas ang presyo kada litro ng gasolina ng mahigit P1, habang tatapyasan naman ang presyo ng diesel at kerosene sa ikatlong sunod na linggo ngayong Martes.

Sa magkahiwalay na abiso, inihayag ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Corp. na magtatas sila ng presyo kada litro ng gasolina ng P1.40, habang tatapyasan naman ang presyo ng diesel ng P0.50, at kerosene ng P0.35.

Ipatutupad din ito ng Cleanfuel at Petro Gazz, maliban sa kerosene.

Epektibo ang paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo ng alas-6 ng umaga sa Martes, sa lahat ng mga kompanya maliban sa Cleanfuel na ipatutupad ang adjustment ng alas-4:01 ng hapon sa parehong araw.

Hindi pa nag-aanunsyo ang ilang kompanya ukol dito. RNT/SA