Paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo inaasahan sa sunod na linggo

Paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo inaasahan sa sunod na linggo

May 28, 2022 @ 12:45 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Asahan na ng mga motorista ang posibleng paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo sa darating na linggo.

Nabatid sa pamunuan ng Unioil Petroleum Philippines, maaari anilang tumaas ng P1 hanggang P1.20 ang presyo sa kada litro ng diesel sa darating na Mayo 31 hanggang Hunyo 6, 2022 samantala, ang presyo ng gasolina ay maaaring ibaba sa pagitan ng P1.50 at P1.60 kada litro.

Karaniwang nag-aanunsyo ng price adjustments ang mga kumpanya ng langis tuwing Lunes, na ipapatupad sa susunod na araw.

Epektibo noong Mayo 24, ang mga kompanya ng langis sa bansa ay nagtaas ng presyo ng gasolina ng P3.95 kada litro habang ibinaba naman ang presyo kada litro ng diesel ng P2.30.

Batay sa datos ng Department of Energy, noong Mayo 17 hanggang 20 ay nasa P70.75 hanggang P81.55 ang presyo ng kada litro ng gasolina sa Quezon City, habang ang presyo ng diesel ay nasa pagitan ng P72.90 at P79.49 kada litro sa Maynila. JAY Reyes