Paggamit ng digitalized farmer registry, food balance sheet aprub kay PBBM

Paggamit ng digitalized farmer registry, food balance sheet aprub kay PBBM

February 23, 2023 @ 7:43 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Welcome kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paggamit ng bagong teknolohiya gaya ng digitalisasyon ng farmer registry at paglikha ng digital food balance sheet (FBS) para mas ma-develop pa ang agriculture sector sa bansa.

Sa pakikipagpulong sa  Private Sector Advisory Council (PSAC) para sa agriculture sector sa Palasyo ng Malakanyang noong Pebrero 21, kinilala ng Pangulo ang pangangailangan na “i-update at i-digitalize” ang proseso at sistema sa sektor ng agrikultura.

“Well, if we can [get] digitalization in place as quickly as possible…everyone needs it. So that’s what you need to do is you get the system in place, specific for the agriculture. Hopefully, it will become part eventually of the government system,” ang sinabi ng Pangulo sa mga miyembro ng PSAC.

Tinukoy naman ng PSAC na kasama sa digital FBS ang real-time data at accelerate change sa agriculture sector.

Ang panukalang FBS ay kinakikitaan ng pagtaas ng kita ng mga small-holder farmers at resulta sa karagdagang budget savings ng gobyerno.

Base sa datos na ibinigay ng PSAC,  gagamit din ang Kenya ng FBS, iyon nga lamang ay tatagal ng 12 linggo para makapag-set up o makapagtayo ng  digital balance sheet.

Ang kahalintulad na pamamaraan ay ginagawa na rin sa Indonesia.

Inirekomenda rin ng PSAC sa Pangulo, ang paglikha ng FBS Committee na binubuo ng mga tao mula sa pampubliko at pribadong sektor.

“Fixing storage, logistics and coupled with the FBS, will be an effective way to go about reaching the country’s target to attain food security in sugar, rice, coconut as well as livestock,” ayon sa PSAC.

Samantala, welcome din sa Pangulo ang rekomendasyon ng PSAC na muling magtanim ng puno ng niyog sa pamamagitan ng pamamahagi ng maraming mga punla sa paglalaan ng P1.2 billion at training farmers sa intercropping para itaas ang kanilang productivity.

Kinilala naman ng Pangulo ang panukala ng PSAC na gumamit ng “common salt”  bilang fertilizer para sa niyog  dahil makakatulong ito na mapabuti ang “quality at quantity” ng inaasahang ani. Kris Jose