Paggamit ng gadgets sa klase, mas lalong nakakabagsak ng grado ng estudyante– study

Paggamit ng gadgets sa klase, mas lalong nakakabagsak ng grado ng estudyante– study

August 3, 2018 @ 10:14 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Gumagamit ka ba ng cellphone o laptop para mag-take down notes sa twing nagle-lecture si teacher? Nako! Baka bumagsak ka niyan.

Ayon sa pag-aaral ng New United States, napag-alaman na ang paggamit ng mga device na smartphone, tablet o laptop sa lecture ay maaring makatulong sa mga estudyanteng bumagsak sa exam.

Sa pangunguna ng mga researcher mula sa Rutgers University, kumuha sila ng 118 na psychology students na papasok sa university at kanila itong sinundan para sa isang term ng kanilang kurso.

Hindi sila pinagamit ng mga electronic devices gaya ng laptops, phones at tablets sa kalahati ng lecture at pinayagan na gumamit sa kalahati pa. Sinabihan ng mga researcher ang mga estudyante na i-record kung ginagamit nila ito para sa non-academic purposes habang nagkla-klase.

Base sa mga nakaraang pag-aaral, napag-alaman na kapag nahahati ang atensiyon ng isang tao sa dalawang task, mas kaunti ang naalala nila tungkol dito, ibig sabihin kapag nahati ang atensiyon ng mga estudyante sa electronic device at sa lecture, kaunti lamang talaga ang matutunan ng mga ito.

Sa katunayan, napag-alaman nila na ang presensya ng device sa lecture ay hindi naman talaga nakakaapekto sa pag-intindi ng mga estudyante sa klase kung saan nasusukat sa pamamagitan ng pagsusulit tungkol sa lecture.

Gayunpaman, ang mga estudayante ay bumabagsak sa kanilang end-of-term exam ng nasa 5% o kalahati ng grade kapag pinayagan ang devices habang nagle-lecture.

Ang pag-aaral ay unang pag-aaral na isinagawa sa totoong classroom na nagpapakita na ang distraction na dulot ng electronic device ay nakaaapekto sa ‘long-term retention of information and subsequent exam performance.’

Bilang tugon sa resulta ng pag-aaral, sinabi ng lead author ng study na si Prof. Arnold Glass,  “These findings should alert the many dedicated students and instructors that dividing attention is having an insidious effect that is impairing their exam performance and final grade.”

“To help manage the use of devices in the classroom, teachers should explain to students the damaging effect of distractions on retention, not only for themselves, but for the whole class,” paliwanag niya pa. Remate News Team