Paggamit ng ‘Kaaba’ sa dog show, kinastigo ng solon

Paggamit ng ‘Kaaba’ sa dog show, kinastigo ng solon

October 4, 2022 @ 1:16 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kinondena ni Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong ang paggamit sa disensyo ng Kaaba, isang structure sa Masjid al-Haram sa Mecca na isang sacred site ng mga Muslim sa buong mundo, bilang props sa isang dog mall event sa Quezon City.

Ayon kay Adiong dapat na imbestigahan ang ginawang pambabastos sa kanilang kultura, aniya dapat may managot sa insidente upang hindi na maulit.

Ang tinuturing ni Adiong ay nangyari noong Linggo sa isang pet fashion show at contest na inorganisa ng isang mall sa Quezon City kung saan ang mga lumahok na aso ay lalakad sa competition area, isang aso ang mayroong dog carrier na ang dekorasyon ay kagaya ng Kaaba.

“The Kaaba is widely considered to be the house of Allah, and the Muslim ummah turns towards its direction as they pray and perform the salah every day. Napakalaking pagkakamali na gamitin ang Kaaba bilang props at gawin itong kulungan ng aso, lalo pa na ang event ay wala namang kinalaman sa Islam at pamumuhay naming mga Muslim” pahayag ni Adiong.

“This shows not only a lack of understanding when it comes to our faith that guides our lives, but a complete disregard for our community as Muslims” dagdag pa ng mambabatas.

Ani Adiong maliit na bagay para sa ilan ang insidente, subalit para sa kanilang mga Muslim ay malaking isyu ito dahil sa ganitong mga pagkakataon na kapag kanilang pinalampas ay pinagmumulan ng diskriminasyon sa kanilang hanay.

“Violence is not just the wielding of physical force that leaves scars on another’s skin; violence also involves acts that reduce a person and their beliefs into mere spectacle and refusing to make room for understanding and inclusion that is necessary for a just society that upholds the rights of all,” ani Adiong.

Hiniling ni Adiong sa mall administration na imbestigahan ang insidente na malinaw na paglabag sa cultural sensitivity at hinimok din nito ang National Commission on Muslim Filipinos na gumawa ng aksyon upang hindi na maulit ang kahalintulad na pangyayari.

“We demand for accountability measures, including a clear and definite commitment to ensure that this will never happen again.Hindi ito ang unang pagkakataon na binastos at ipinagsawalang bahala ang aming paniniwala at pamumuhay bilang mga Muslim. Sana ay magtulong-tulong tayo para hindi na ito maulit pa sa ating mga komunidad, at maging daan ito para mas lumalim ang ating pag-unawa at respeto sa ating kapwa,” pagtatapos pa ni Adiong. Gail Mendoza