Paggamit ng OneHealthPass, aprub na sa IATF

Paggamit ng OneHealthPass, aprub na sa IATF

August 27, 2021 @ 6:59 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Huwebes ang “adoption at promotion” ng paggamit ng OneHealthPass ng Bureau of Quarantine at Department of Transportation.

Ang OneHealthPass ay isang online platform na naglalayong i-promote ang “convenient at seamless movement” ng mga international travelers mula sa pag-alis sa bansa kung saan sila nanggaling at pagdating sa local government unit ng kanilang destinasyon.

Ang paggamit ng OneHealthPass ay magsisimula sa Setyembre 1, 2021 at tatagal hanggang sa panahon ng state of national public health emergency.

Sa kabilang dako, inaprubahan din ng IATF ang naging kahilingan ng Philippine Racing Commission para sa operasyon ng kanilang Off-Track Betting (OTB) stations sa Kalakhang Maynila para sa panahon naman ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Iyon nga lamang ay “subject” pa rin sa pagpayag ng kinauukulang local government unit. “

Ang operasyon ng OTBs ay mahigpit na limitado lamang sa pagbebenta ng tickets at kailangang tiyakin na maipatutupad ang health at safety protocols at pagsunod sa minimum public health standards sa loob ng kanilang lugar. Kris Jose