Paggamit ng SC seal sa mga sasakyan, bawal na

Paggamit ng SC seal sa mga sasakyan, bawal na

July 27, 2022 @ 1:28 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines-  Ipinagbawal ng Korte Suprema ang paggamit ng official seal nito ng mga hindi otorosadong sasakyan ng korte.

Sa resolusyon ng Supreme Court en banc, hindi maaring idisplay ng mga pribadong sasakyan at non-official court vehicles ang official Seal ng Supreme Court sa kanilang plaka, car sticker o anumang indikasyon na magpapakita na konektado ito sa hudikatura.

Sakop ng pagbabawal ang mga courtesy at security plates ng mga dating opisyal na hindi na konektado sa hudikatura.

Binalaan ng SC ang mga susuway na mapatawan ng parusang indirect contempt bukod sa mahaharap sa kasong kriminal at administratibo.

Iniutos na rin ng SC ang pagbawi sa mga inisyu dati na authorization para idisplay ang SC seal.

Napuna ng SC na nagkalat na ang official seal nito na karaniwang ginagamit ng ilang indibidual para iwas huli sa kalsada. Teresa Tavares