Paggamit ng sign languange ng BTS sa isang MV, aprubado ng WHO

Paggamit ng sign languange ng BTS sa isang MV, aprubado ng WHO

July 14, 2021 @ 2:33 PM 1 year ago


SOUTH KOREA – Ipinahayag ng World Health Organization (WHO) ang pagkatuwa sa South Korean pop band na BTS sa pagkonsidera ng sign language sa kanilang bagong single na “Permission to Dance.”

Sa official Twitter account, ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus pinuri niya ang k-pop group.

“Thank you, @BTS_twt, for including sign language in your #PermissiontoDance music video,” ani Ghebreyesus sa kaniyang tweet.

“As 1.5 billion people in the world are affected by hearing loss; sign language can help them to continue enjoying music which can bring joy to life,” dagdag pa niya.

Kasama sa kanilang choreography ang international sign language na nangangahulugan “fun,” “dance,” at “peace.”

Ang latest track ng BTS ay co-written ni British song-writer Ed Sheeran at Snow Patrol’s Johnny McDaid.

“Wrote this song a while ago and so happy it’s being heard on such a world stage and being sung by such talented people,” tweet ni Sheeran. Tinatayang umabot na sa 121 million views and 11 million likes on You Tube ang music video.

Ang bagong labas na music video ng k-pop group na BTS na kantang ”Permission to Dance” ay inilabas noong biyernes Hulyo 9,2021. Yna de Luna (trainee)