State of calamity idineklara sa 2 bayan sa Occ. Mindoro sa dami ng dengue cases

August 8, 2022 @5:48 PM
Views:
15
MANILA, Philippines- Idineklara ang state of calamity sa mga bayan ng San Jose at Sablayan sa Occidental Mindoro dahil sa pagtaas ng bilang ng mga nasasapul ng dengue.
Base kay Dr. Ma. Teresa Tan, Provincial Health Officer ng Occidental Mindoro, nasa 1,810 na ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng dengue at siyam na ang namatay.
Dulot ng patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue, inirekomenda na ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa Sangguniang Panlalawigan na ideklara ang state of calamity sa buong lalawigan upang magamit ang calamity fund pambili ng mga dengue test kits at iba pang gamit sa pagsugpo sa dengue.
“Puwede nang mag-procure ang mga munisipyo once na-declare ng province [ang state of calamity], kaniya-kaniya na silang purchase [ng] dengue test kits, misting machines, reagents na ginagamit sa misting machines, yung reagents para magawa ng complete blood count, platelets count kasi according to one of our med-techs yung alloction nya for one quarter naubos na in 1 ½ months sa dami ng nagpa-patest,” sabi ni Tan.
Base sa Department of Health, dumoble ang bilang ng mga nagkakaroon ng dengue sa buong bansa.
Batay naman sa datos ng Department of Health, sumampa na sa 82,597 ang kaso ng dengue sa bansa nitong taon (mula Enero 1 hanggang Hulyo 26) na mas mataas nang higit 100 porsyento kumpara sa parehong panahon noong 2021. RNT/SA
DepEd sa muling pag-arangkada ng klase sa Aug. 22: Wala nang atrasan

August 8, 2022 @5:35 PM
Views:
15
MANILA, Philippines- Nanindigan ang Department of Education (DepEd) sa desisyon nitong ituloy ang darating na school year sa Agosto 22 sa kabila ng mga panawagan na suspendihin ito.
“Tuloy na tuloy na tayo. Wala nang atrasan. August 22, 2022 ang opening of classes natin this year,” giit ni DepEd Spokesperson Michael Poa nitong Lunes.
Umapela ang Teachers’ Dignity Coalition sa DepEd na ilipat ang school opening sa kalagitnaang ng Setyembre, dahil hindi umano sapat ang school break upang makapagpahinga ang mga guro mula sa nakaraang academic year at paghandaan ang susunod.
Subalit sinabi ni Poa na marami naman ang nakilahok sa Brigada Eskwela program, kung saan tumutulong ang stakeholders at mga volunteer na ihanda ang mga paaralan para sa darating na school year.
Idinagdag din ng tagapagsalita na nakikipag-ugnayan na ang DepEd sa iba oang government agencies sa muling pagbubukas ng paaralan, kagaya na lamang ng trade department upang ma-regulate ang presyo ng school supplies, at sa Department of Health upang mabakunahan ang mga estudyante at school personnel laban sa COVID-19.
Binanggit din ni Poa ang Republic Act No. 7797, na nagbabawal na umpisahan ang school year nang lampas sa Agosto.
“We are also in contact with [local government units] para sa spaces na hindi nila nagagamit or hindi naman usually nagagamit, baka puwede ipahiram muna as temporary learning spaces,” ayon pa kay Poa.
Naiulat ng DepEd nitong nakaraang linggo na pumalo na sa 427 ang mga paaralang napinsala ng magnitude 7 na lindol, na tinatayang nagkakahalaga ng P2.1 bilyon ang pagkukumpuni. RNT/SA
Contingency plans sa OFWs sa gitna ng tensyon sa China-Taiwan, ipinalalatag na

August 8, 2022 @5:22 PM
Views:
27
MANILA, Philippines- Hiniling ni Senador Raffy Tulfo sa pambansang pamahalaan at iba pang kinauukulang ahensiya na maghanda kaagada ng contingency plan para sa Overseas Filipino Workers (OFWs) sakaling tumindi ang sigalot sa Peoples Republic of China at Taiwan.
Sa pahayag, sinabi ni Tulfo, lider ng Senate Committee on Migrant Workers, na dapat kumilos kaagad ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippine Overseas Labor & Office (POLO) at Department of Foreign Affairs (DFA) sa paglikha ng coordinated plan upang matiyak ang kaligtasan ang manggagawang Filipino sa Taiwan at katabing bansa.
“The tension between China and Taiwan is not something to be taken lightly. Dapat ngayon pa lamang ay gumagawa na ng contingency plan ang DFA, OWWA, at POLO in the event na lumala ang problemang ito. This is the perfect time for government agencies to show their united force by working together for the safety and security of our workers abroad,” aniya.
Umabot sa 200,000 ang OFWs sa Taiwan.
“In my experience of helping OFWs in the past two decades, the government agencies, oftentimes, were very reactive instead of proactive. Kapag nandiyan na ang gulo at problema, yung tipong na-stuck na ang OFWs sa ibang bansa, wala ng pera at makain, tsaka lamang sila kikilos. Hindi dapat ganoon!
“Ngayon pa lamang, dapat kumilos na tayo at ‘wag nang antaying lumala pa ang sitwasyon bago tayo umaksyon. We should be ready to evacuate OFWs in the event that the current situation escalates into a war,” giit niya.
Base sa media reports, nagsagawa ang China ang large-scale military drill sa anim na malalawak na lugar sa Taiwan Strait matapos bumisita si United States House Speaker Nancy Pelosi nitong August 2.
Inihayagmng Taiwanese government na dumaan ang mga Chinese fighter jets sa median lines sa Strait sa kabila ng matitibay na pagkondena ng United States, Japan at European Union.
Sa paghahanda ng contingency plan, sinabi ni Tulfo na dapat ikonsidera ng kinauukulang ahensiya ng pamahalaan sa pakikipag-koordinasyon sa national government ang ilang salik kabilang ang kaligtasan at suportang pinansiyal sa OFWs.
“The situation for OFWs in Taiwan is fraught with too much risk and many Filipino workers are now worried about their future abroad. Una nating kailangang siguraduhin ay ang kaligtasan ng OFWs dahil napakahalaga ng buhay ng bawat isa sa kanila,” aniya.
“The national government should provide enough funding assistance to all Filipino workers to ensure that they can smoothly re-enter the country once they are evacuated,” giit pa ni Tulfo. Ernie Reyes
Trike driver todas sa hit-and-run ng sasakyan ng QCPD official

August 8, 2022 @5:20 PM
Views:
23
MANILA, Philippines- Todas ang isang tricycle driver habang sugatan naman ang babaeng pasahero nito nang masalpok ang kaniyang minamanehong tricycle ng isang Ford Ranger na tumakas matapos ang aksidente sa Quezon City, Sabado ng umaga.
Namatay habang ginagamot sa Quirino Memorial Medical Center ang tricycle driver na si Joel Laroa, 54-anyos, nakatira sa No. 28 Interior 1 V, Gonzales St., Krus na Ligas, Q.C.
Sugatan naman ang kaniyang pasahero na nakilalang si Rozelle B. Morales, 27, Customer Service Associate, at naninirahan sa Antipolo City.
Tumakas naman ang driver ng Ford Rager Pick Up Color Black na may plakang NCG 8456 na kinalaunan ay nalaman sa Land Transportation Office (LTO) na nakarehistro ang nasabing sasakyan kay PCol. Mark Julio Abong, hepe ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU).
Inaalam pa ng mga awtoridad kung ang nasabing opisyal ng QCPD ang nagmamaneho ng sasakyan nang maganap ang aksidente.
Sa naantalang report ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 3, pasado alas-5 ng umaga (August 6) nang maganap aksidente sa kanto ng Anonas at Pajo St., Brgy. Quirino 2A, sa lungsod.
Sa imbestigasyon ni PSMS Jose R Soriano ng QC Traffic Sector 3, pareho umanong binabaybay ng tricycle at ng Ford Ranger pickup ang kahabaan ng Anonas patungong Auroa Blvd. galing sa Kamias Road sa Brgy. Quirino 2A.
Pagsapit sa nasabing lugar ay nasalpok ng Ford Ranger ang kaliwang bahagi ng tricycle na minamaneho ng biktima.
Dahil sa lakas ng impak ay tumumba ang tricycle at naipit ang driver maging ang sakay niyang pasaherong babae.
Sa halip na tulungan umano ng driver ng Ford Ranger ang mga biktima ay mabilis pa nitong pinaharurot ang kaniyang sasakyan.
Agad namang isinugod ng mga nakasaksi sa aksidente ang mga biktima sa nasabing ospital subalit kinalaunan ay binawian ng buhay ang tricycle driver habang inoobserbahan pa ang sakay nitong pasahero.
Nahaharap ang suspek sa kasong Reckless Imprudence Resulting in homicide and Damage to Property with Physical Injury (Hit and Run).
Tinangka naman kunin ang panig ng nasabing opisyal subalit hindi ito mahagilap dahil naka-leave umano ito sa ngayon. Jan Sinocruz
Bilang ng dengue cases sa Pinas sumampa na sa 92,343

August 8, 2022 @5:20 PM
Views:
12