Paggawad ng prangkisa sa e-sabong malabo sa 18th Congress

Paggawad ng prangkisa sa e-sabong malabo sa 18th Congress

May 3, 2022 @ 3:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Naniniwala ang apat na senador na ang pagpasa sa panukala na naglalayon na gawaran ng prangkisa ang online sabong firm, ay patay na sa 18th Congress.

“Franchise is dead,” pahayag ni Senate President Vicente Sotto III nitong Martes.

“Kulang sa oras at marami ang hindi sang-ayon,” ayon naman kay Senator Grace Poe, chair ng Senate Committee on Public Services na humahawak sa panukala.

Iginiit naman ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa, na nanguna sa Senate investigation sa mga nawawalang sabungero, na ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Dutertena wakasan ang e-sabong operations ay makaaapekto sa pagpasa sa panukala.

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na patigilin ang e-sabong o online cockfighting operations, na sinisisi sa pagkasira sa moral values ng maraming mga Pilipino.

“Lack of material time to act on the franchise bill plus the President’s stoppage order would mean demise of the e-sabong industry unless the next administration would decide to resurrect it,” ani Dela Rosa.

Mag-aadjourn ang 18th Congress sa Hunyo 4 hanggang Hulyo 24.

Para naman kay Senator Aquilino “Koko” Pimentel III hindi dapat madaliin ang e-sabong franchise bills.

“Pagdating sa e-sabong franchise bill(s), dapat hindi ito madaliin. Dapat pag-usapan [nang] mabuti kung ano ba talaga ang mga epekto ng legalization ng mga iba’t-ibang uri ng sugal tulad ng e-sabong,” aniya.

“Wag madaliin. Mas mabuti siguro ipa-desisyon na ito sa bagong papasok na Kongreso,” giit ng Senador. RNT/SA