Pagguho ng dolomite sa Manila Bay itinanggi ng DENR

Pagguho ng dolomite sa Manila Bay itinanggi ng DENR

September 23, 2020 @ 6:57 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Itinanggi ni Department of Environment and Natural Resources Spokesperson Usec. Benny Antiporda na gumuho na ang inilagay na dolomite sand sa Manila Bay na bahagi ng beach nourishment project nito.

Ayon kay Antiporda, walang katotohanan ang mga lumabas na ulat hinggil sa pagguho ng inilagay na dolomite sand sa Manila Bay.

Aniya, hindi pa nalalagyan ng dolomite sand ang nakitang itim na buhangin sa isang bahagi ng Manila Bay at iyon ang kanilang nililinis para mawala ang mga dumi at basura bago lagyan ng dolomite.

“Grabe naman yung mga naghahanap ng butas sa Manila Bay project para lang i-discredit ang project na ito,” ayon pa kay  Antiporda.

Nanindigan din ang tagapagsalita ng DENR na handa nilang tapusin ang Manila Bay project at tiniyak nito sa publiko na matatapos nila ito sa takdang panahon.

Nakahanda naman umano si DENR Sec. Roy Cimatu na ipasara ang dolomite site sa Cebu, kung saan kinuha ang itinambak sa Manila Bay,  kung  mapatutunayan nilang may paglabag ito sa environmental laws. SANTI CELARIO 


  •  
  •  
  •  

Loading...