Paghahain ng COC sa BSKE suspendido na – Comelec

Paghahain ng COC sa BSKE suspendido na – Comelec

October 22, 2022 @ 9:18 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Suspendido na ang nakatakda sanang paghahain ng Certificate of Candidacy at iba pang aktibidad para sa December 5, 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ayon kay Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco.

Ito ang kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) sa kanilang public advisory.

Nagpasya ito na suspendihin ang paghahain ng COC na nakatakda sana sa huling linggo ng Oktubre ngayong taon dahil sa bisa ng Republic Act No. 11935 o ang pagpapaliban ng BSKE sa Disyembre.

“In view of the effectivity of Republic Act No. 11935 which postponed the December 5, 2022 BSKE to the last Monday of October 2023, the Commission on Elections has resolved to suspend the Filing of Certificates of Candidacy (COC) scheduled on October 22 to 29, 2022,” bahagi ng anunsyo ng Comelec.

Sinabi ni Laudiangco na ang iba pang mga aktibidad at ipinagbabawal na gawain sa Calendar of Activities alinsunod sa Resolusyon No. 10846 -A ay sinuspinde na rin. Jocelyn Tabangcura-Domenden