Paghahanap ng polling precinct, patuloy – Jimenez

Paghahanap ng polling precinct, patuloy – Jimenez

January 26, 2022 @ 4:42 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez  na naghahanap pa rin ang Comelec ng mga lugar na magagamit bilang polling precinct para sa 2022 elections.

Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Jimenez na ito ay para mapunan ang kailangang 105,000 presinto para sa  maayos na pagdaraos ng eleksyon.

Ayon kay Jimenez, mahirap ang pagpili ngayon ng polling precinct dahil kailangang maluwag at well ventilated ang gagamiting mga silid

Ang mga pampublikong paaralan pa rin naman aniya ang pagkukunan ng presinto pero kailangang magkakahiwalay ang gagamiting silid aralan.

Umaasa si Jimenez na sa pagtatapos ng buwan ng Pebrero ay  tapos na ang pagpili ng mga lugar para sa halalan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)