Paghahanap ng survivor sa gumuhong gusali sa Florida, inihinto na

Paghahanap ng survivor sa gumuhong gusali sa Florida, inihinto na

July 8, 2021 @ 4:17 PM 1 year ago


FLORIDA – Tinapos na ng mga rescue team ang paghahanap ng survivors sa gumuhong gusali sa Surfside.

Aminado si Miami-Dade county mayor Daniella Levine Cava na isang napakahirap na desisyon na ihinto na ang search at rescue operation at magsimula ng retrieval operation mamayang hatinggabi.

“It is with deep profound sadness … that we made the extremely difficult decision to transition from operation search and rescue to recovery,” ani Levine Cava.

“At this point, we have truly exhausted every option available to us in the search and rescue mission.”

Samantala, 54 na bangkay na ang nakuha ng mga otoridad sa gumuhong 12-storey Champlain Towers South habang 86 katao pa ang nawawala.

Simula nang maganap ang trahedya ay wala pa ni isang survivor ang nahahanap ng mga rescuer. RNT