Paghahanda ng Manila para sa Chinese New Year, plantsado na

Paghahanda ng Manila para sa Chinese New Year, plantsado na

January 21, 2023 @ 1:42 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Todo-bantay na rin ang mga kapulisan ng Manila Police District (MPD) sa buong Binondo area para sa mga aktibidad ngayong ipinagdiriwang ang Chinese New Year.

Ilan lamang sa mga aktibidad na inaasahang dadayuhin ng mga turista at mga tao ay ang Dragon dance, dragon boat parade na isasagawa sa Radig River.

Magkakaroon din ng countdown at fireworks display sa Binondo-Intramuros Bridge, mamayang hatinggabi.

Nauna nang naglabas ng abiso ang Manila Traffic Enforcement Unit ng MPD at Manila Public Information Office na ang southbound lane ng Jones Bridge ay isinara simula kagabi, Jan. 21 ng alas-7 ng gabi.

Habang ang northbound lane ay isinarado alas-10 ng gabi upang bigyang-daan ang countdown.

Linggo ng umaga ay isasagawa naman ang dragon boat competition simula MacArthur Bridge papuntang Binondo.

Alas-2 ng hapon ng Linggo din isasagawa ang Solidarity parade.

Ayon sa MPD, nasa 3,200 personnel ang ipinakalat para sa seguridad sa Chinatown District. Jocelyn Tabangcura-Domenden