Paghahanda ng MMDA para sa ‘Big One’, patuloy

Paghahanda ng MMDA para sa ‘Big One’, patuloy

February 16, 2023 @ 5:36 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Huwebes na patuloy ang paghahanda nito para sa posibilidad ng malakas na lindol o “Big One”.

(Larawan kuha ni Cesar Morales)

Sinabi ito ni MMDA spokesperson Mel Catarungan sa isang televised public briefing kasunod ng pagtama ng magnitude 7.8 na lindol sa Turkey at Syria noong Pebrero 6.

“Ang pagkakatulad po sa Turkey at Metro Manila ay madami ring mga gusali dito at high density po ang population sa Metro Manila. So patuloy pa rin ang paghahanda namin para sa the “Big One”,” pahayag niya.

Sinabi ni Carunungan na nagsasagawa ang MMDA ng seminars at lectures sa disaster preparedness at inoorganisa ang posibleng deployment ng urban search at rescue teams.

Idinagdag niya na nais ng MMDA ang maas mahigpit na implementasyon ng National Building Code upang mapigilan o maibsan ang bilang ng mga gusali na maaaring gumuho sakaling magkaroon ng malakas na lindol.

Ayon sa kanya, nakalatag na ang evacuation plans. RNT/SA