Paghahanda para sa BSKE, 70% plantsado na – Garcia

Paghahanda para sa BSKE, 70% plantsado na – Garcia

August 22, 2022 @ 5:22 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nasa 70 porsyento na ang paghahanda para sa Barangay at Sangguniang Kabataan election, sabi ni Comelec Chairman George Garcia ngayong Lunes.

Ang preparasyon ay nagpapatuloy sa gitna ng mga panawagan ng pagpapaliban sa halalan bagama’t ang batas para sa pagpapaliban ay hindi pa naipapasa.

Noong nakaraang linggo bumoto ang House panel na ipagpaliban ang halalan sa Disyembre 5 sa loob ng isang taon.

Sinabi ni Garcia na ang imprenta ng mga balota at iba pang election-related documents ay makukumpleto sa Setyembre habang ang transport o shipping ng materyales ay gagawin sa Oktubre.

Ayon pa kay Garcia, kinikilala at nirerespeto aniya ang kapangyarihan ng Kongreso na ipagpaliban ang halalan.

Pero giit ni Garcia, ipagpaliban man ito o hindi ay tuloy-tuloy pa rin ang kanilang paghahanda.

“Kaya lang, siyempre , sabi nga namin, ‘pag ni-reset , may kaunting karagdagan po tayong gagastusin,” ani Garcia. Jocelyn Tabangcura-Domenden