Paghalik sa krus, altar sa Holy Week, ‘di rekomendado ng DOH

Paghalik sa krus, altar sa Holy Week, ‘di rekomendado ng DOH

April 6, 2022 @ 9:20 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Sa papalapit na Holy Week, hindi inirerekomenda  ng Department of Health (DOH) ang paghalik sa altar at krus sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ang Holy Week ay mula April 10, Linggo hanggang April 16, Sabado.

Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire sa media forum na ang nasabing virus ay maaring maisalinbsa pamamagitan ng droplet infection na maari namang maipasa sa iba kung hahalik sa isang puon na hinalikan na ng paulit-ulit .

Aniya, ang health department ay pinayuhan at hinimok ang mga Simbahan na pansamantalang huwag munang ituloy ang kinaugalian.

“Meron naman po tayong mga iba pang bagay o ano ba ways kung paano tayo makakapag show ng ating devotion sa ating mga santo, sa ating mga pinupuntahang simbahan,” sinabi ni Vergeire.

“Sana po itong practice na ito maiwasan para hindi na tayo magkaroon ng pagtaas ng kaso kung saka-sakali dahil sa practice na ito,” dagdag pa ni Vergeire.

Dagdag pa, hindi hinihikayat ng DOH ang pagpapako sa krus dahil maaari itong magdulot ng malaking pinsala sa isang indibidwal.

Babala ni Vergeire, ang pagpapako sa krus ay magdudulot ng blood loss, tetanus, at ibang uri ng infections.

“We request and we recommend no, a-advise po natin sa ating mga kababayan, kung maiiwasan naman po, maari naman po tayo, katulad ng sabi ko, sumamba sa ating Panginoon sa ibang paraan.” Jocelyn Tabangcura-Domenden