Paghalik sa mga bata, shakehands bawal na sa kampanya-Comelec

Paghalik sa mga bata, shakehands bawal na sa kampanya-Comelec

July 14, 2021 @ 4:53 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Hindi na papayagan ng Commission on Elections sa panahon ng kampanya ang tinatawag na “public display of affection “ o PDA o pagpapakita ng malasakit o pagmamahal sa mga bata.

Maging ang pakikipagkamay sa  mga tao at pagbibigay ng pagkain ay ipinagbabawal na rin ,ayon kay Comelec Spokesperson  James Jimenez.

Ito ay bilang pag-iingat na rin sa pagkalat ng COVID-19 virus dahil madalasan sa panahon ng kampanya ay dinudumog ng mga tao at nagkakaroon ng “crowd” sa mga lugar.

Gayunman,  ang mass gatherings para sa aktibidad sa kampanya ay hindi naman ipinagbabawal  ngunit ito ay hihigpitan lamang

Bukod ditto ang attendance at jkapasidad sa mga venue  at pagbibigay ng permit ay lilimitahan.

Ayon kay Jimenez, kailangan ng koordinasyon sa mga barangay health system kung saan karamihan aniya sa mga aktibidad ay ginagawa sa mga barangay. Jocelyn Tabangcura-Domenden