Pagharang sa US sa S. China Sea ‘di papayagan – US official

Pagharang sa US sa S. China Sea ‘di papayagan – US official

October 27, 2022 @ 3:36 PM 1 month ago


WASHINGTON – Iginiit ng senior State Department official nitong Huwebes na pipigilan ng United States ang pagharang sa kanila sa pinagtatalunang South China Sea sa ilalim ng code of conduct ng Southeast Asian nations at China.

Sinabi ni Amy Archibald, Director ng State Department’s Southeast Asia maritime office, na hindi dapat gamitin ang code of conduct upang harangin ang ibang bansa at regional partners mula sa resource-rich waters na pinag-aagawan ng China at iba pa nitong karatig-bansa kabilang ang Pilipinas, Vietnam, Malaysia, Brunei, at Taiwan.

“What we don’t want to see is a code of conduct that will be used to exclude important regional partners,” ani Archibald. “We expect to be in the South China Sea as we have been and we will definitely oppose any effort not to include us.”

Bagama’t hindi partido sa pinagtatalunang teritpryo, iginiit ni Archibald na ang US, bilang major trading nation sa  Pacific, ay titiyakun ang “free and open, secure, prosperous, resilient region,” at sinabing makatutulong ang “good” code of conduct sa kanilang mga layunin.

Layunin ng regional code of conduct na maiwasan na mauwi ang conflicting territorial claims sa malawak at “potentially oil-rich region” sa marahas na pagtatalo.

Taliwas ang China, na itinuturing na “purely Asian issue” ang dispute, sa anumang foreign intervention, partikular na mula sa US, isang longtime defense treaty ally ng Pilipinas.

“I understand that’s China’s position, but we have a different one,” pahayag ni Archibald.

Hindi nagkakasundo ang US at China sa The US and China sa “long-seething territorial row” sa strategic waters.

“Nobody’s going to accept Chinese restrictions on lawful activities in international waters,” giit ni Greg Poling, senior fellow at director sa Center for Strategic and International Studies (CSIS).

“We prosper when we have international norms and stability, and so we are looking for a code of conduct that would essentially promote international rules-based order in the maritime environment,” ayon naman kay Archibald. RNT/SA