Paghawak sa mga baby panda ng BlackPink binatikos ng mga Chinese; Video ‘di pinalabas

Paghawak sa mga baby panda ng BlackPink binatikos ng mga Chinese; Video ‘di pinalabas

November 11, 2020 @ 3:21 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

South Korea – Inulan ng batikos mula sa mga Chinese ang teaser ng reality TV episode ng K-Pop girl band Blackpink kung saan hawak ng mga ito ang isang bagong panganak na panda.

Si Fu Bao ang kauna-unahang panda na pinanganak sa South Korea.

Nagmula ang mga magulang nito sa China na national treasure ng bansa.

Makikita sa video na hawak ng ilang miyembro ang batang panda nang walang suot na gloves, at kung saan naka-make-up pa ang mga ito.

Kaagad itong ikinagalit ng mga Chinese dahil ito umano ay masama sa kalusugan ng mga ito.

Nagtrend din ang “Blackpink touched panda cub wrongly” sa Weibo, social media platform sa China.

Dahil dito, hindi ipinalabas sa Youtube channel ng grupo ang buong episode nito.

“When BLACKPINK met the baby panda, all members wore hygiene gloves, masks and protective clothing … hands and shoes were disinfected at every transition,” pahayag ng YG Entertainment. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...