Paghihigpit ng protocol vs monkeypox ‘di oks sa DOH

Paghihigpit ng protocol vs monkeypox ‘di oks sa DOH

August 26, 2022 @ 3:20 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Walang dahilan upang maghigpit ng protocol sa Pilipinas kasunod ng pagtuklas ng mga kaso ng monkeypox, ayon sa Department of Health.

“The DOH does not recommend lockdown due to the confirmation of a fourth case of monkeypox residing in Iloilo,” ayon sa DOH.

Sinabi ng departamento ng kalusugan na ang mga hakbang ay inilatag upang maiwasan ang karagdagang transmission ng sakit.

Sinabi ng DOH na ang kumpirmadong kaso at mga natukoy na close contacts na sumasailalim sa monitoring at strict quarantine.

Ginawa ng DOH ang pahayag bilang tugon sa plano ng Negros Occidental local government’s sa posibleng paghihigpit sa regulasyon sa seaports para matiyak ang mahigpit na pagsusuri sa kalusugan ng mga pasaherong manggagaling sa Iloilo.

Kinumpirma ng DOH sa Western Visayas na ang ikaapat na kaso ng monkeypox sa bansa ay isang 25-anyos na Pilipino na naninirahan sa Iloilo.

Ang pasyente ay walang dokumentadong kasaysayan ng paglalakbay papunta o mula sa anumang bansa na may kumpirmadong kaso ng monkeypox.

Labing-apat na close contact ang naunang natukoy ng DOH. Wala silang anumang sintomas ng sakit. Ang unang 3 kaso ng monkeypox sa bansa ay lahat ay nauugnay sa paglalakbay. Jocelyn Tabangcura-Domenden