Paghihigpit ng seguridad sa Abra bago mag-eleksyon ikakasa ng PNP

Paghihigpit ng seguridad sa Abra bago mag-eleksyon ikakasa ng PNP

April 25, 2022 @ 3:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Iniatas ng Philippine National Police (PNP) ang mas mahigpit na security measures sa probinsya ng Abra sa kabila ng desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na huwag itong ilagay sa ilalim ng kontrol nito.

Ang paglalagay ng isang lugar sa Comelec control ay nangangahulugan na may mataas na posibilidad ito ng election-related violence at kinakailangan ng tulong ng Comelec upang mapigilan ito.

Sinabi ni Police Maj. Gen. Valeriano de Leon, direktor ng PNP Directorate for Operations at concurrent deputy commander ng National Security task Force on National and Local Elections, na ipinag-utos sa police commanders na siguruhin na hindi mauulit ang insidente sa bayan ng Pilar kung saan nagbarilan ang bodyguards ng isang incumbent vice mayor na tumatakbo sa eleksyon at mga pulis.

Nagsampa na ng kaso ang mga pulis laban sa incumbent mayor at vice mayor ng lugar.

Ilang taon nang nasa election security watchlist ng PNP ang Abra.

“This is the reason why we instructed our commanders on the ground to ensure that no election-related violence would happen again, especially during the election and the days leading to and on the day of the proclamation of winners,” ani De Leon.

Aniya, ang bayan ng Pilar town ay nasa Yellow Category ng PNP kasama ang iba pang mga bayan: Dolores, Penarrubia, Pidigan, Tayum, San Juan, Tineg, at Lagayan. RNT/SA