VP Sara sa DepEd: Makipag-ugnayan sa PNP sa seguridad ng mga paaralan

January 27, 2023 @1:39 PM
Views: 7
MANILA, Philippines – Inatasan ni Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte ang Kagawaran na makipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) upang mas paigtingin pa ang seguridad sa mga paaralan kasunod nang pagkamatay ng isang menor de edad na aksidenteng nabaril ang sarili gamit ang baril ng kanyang ama na dinala sa pagpasok nito.
Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa nitong Biyernes, Enero 27, inatasan na umano ni Duterte ang kanilang mga undersecretaries para atasan ang mga regional offices at school division offices na makipag-ugnayan sa kani-kanilang PNP counterparts.
“Specifically, gusto natin mapag-usapan kung pwede mag-identify tayo ng mga schools na pwede na po nating— mag-implement tayo, sa tulong ng PNP, ng checking of bags, spot check ng mga bags,” ani Poa sa panayam ng DZBB.
Maaalalang sinabi ng mga awtoridad na nilaro ng 12-taong gulang na bata ang 9mm Baretta ng kanyang ama sa loob ng paaralan nang bigla na lamang itong pumutok.
Tinamaan ang bata na naisugod pa sa ospital ngunit kalaunan ay binawian din ng buhay.
Samantala, sinabi ni Poa na nakikipag-ugnayan din sila sa mga local government unit (LGU) upang makapagbigay ng seguridad at police visibility sa mga paaralan.
“Nakikipag-ugnayan nga po tayo sa LGUs kung matutulungan nila tayo pagdating sa security or also kahit police visibility sa ating mga paaralan ay malaking tulong na para maiwasan ‘yung mga krimen sa ating schools,” aniya.
“Meron nga pong mga tanong kung paano nakapagpasok ng mga ganyang patalim o baril sa ating schools and admittedly we need to strengthen din talaga ‘yung security,” dagdag nito.
Maliban dito, makikipagtulungan din ang DepEd sa mga mental health experts para bumuo ng programa na naglalayong labanan ang karahasan sa mga paaralan. RNT/JGC
Patay sa sama ng panahon, sumampa na sa 40

January 27, 2023 @1:26 PM
Views: 12
MANILA, Philippines – Umakyat na sa 40 ang bilang ng mga nasawi dahil sa masamang panahon mula pa noong Enero 1, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes, Enero 27.
Sa 6 a.m. report ng NDRRMC, sa nasabing bilang, 12 sa mga ito ang mula sa Zamboanga, 10 sa Bicol, walo sa Northern Mindanao, pito sa Eastern Visayas, at tig-iisa sa Mimaropa, Davao at Soccsksargen.
Sa kabila nito, tanging 20 lamang ang kumpirmado sa mga naiulat na nasawi.
Samantala, mayroon pang pito katao ang naiulat na nawawala at 12 naman ang nasaktan dahil sa masamang panahon na nagdulot ng malawakang pagbaha at pagguho ng lupa.
Mayroon namang kabuuang 1,964,679 indibidwal o 481,012 pamilya ang apektado mula sa Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Eastern, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga, Northern Mindanao, Davao, Soccsksargen, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Sa apektadong populasyon, 88,134 indibidwalo 21,444 pamilya ang nananatili pa rin sa 308 evacuation centers habang 27,624 katao o 8,330 pamilya ang nakikituloy sa ibang lugar.
Idineklara naman ang state of calamity sa 85 mga lungsod at munisipalidad sa bansa. RNT/JGC
Tulak tiklo sa P130K na shabu

January 27, 2023 @1:26 PM
Views: 12
MANILA, Philippines – Rehas na bakal ang bagsak ng isang di-umano’y tulak ng ipinagbabawal na droga matapos madakip ng mga pulis sa isinagwang buy-bust operation laban sa suspek sa Valenzuela City.
Nakapiit sa detention cell ng Valenzuela City Police ang suspek na kinilalang si Julius Gonzales y Dolendo, 39, helper, residente ng # 75 Tamaraw Hills Marulas ng lungsod.
Base sa ulat ng pulisya, bandang alas-10:40 ng umaga ng magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela City Police sa pangunguna ni P/Capt. Joel Madregalejo sa Agapita St., Gen T De Leon.
Sa ulat ng pulisya, isang undercover na pulis ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek upang umiskor ng iligal na droga.
Sa puntong iyon, nang ibigay ng suspek ang binili na droga ng undercover na pulis agad itong nagbigay ng hudyat sa kanyang mga kasamahan at mabilis na inaresto ang suspek.
Narekober sa suspek ang apat na heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na nasa 20 gramo at tinatayang nasa P136,000 ang Standard Drug Price (SDP) value, buy bust money at isang Samsung Analog Cellphone.
Mahaharap ang suspek sa kasong Violation of Section 5 (Sale, Trading, Administration, Dispensation, Delivery, Distribution and Transportation of Dangerous Drugs at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) under Art II of RA 9165 sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. R.A Marquez
Babae, binoga sa ulo patay

January 27, 2023 @1:19 PM
Views: 12
EASTERN SAMAR- Sabog ang bungo ng isang babae matapos malapitan barilin sa ulo ng hindi pa kilalang suspek habang nagpapagasolina ito ng kanyang motorsiklo, iniulat kahapon, Enero 26 sa bayan ng Can-Avid.
Kinilala ang biktimang si Beann Ada, nasa hustong gulang at residente sa barangay Cansangaya, ng nasabing bayan.
Batay sa inisyal na report ng Can-avid Municipal Police Station, bandang 11:30 AM naganap ang krimen sa Caltex gas station na matatagpuan sa national Road sa Barangay 7, Can-avid.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nakuhanan ng CCTV ang krimen kung saan dumating ang biktima sa nasabing gasolinahan kasunod ang suspek.
Base sa kuha sa CCTV, habang nagpapa-gas ang biktima bumaba ang suspek sa kanyang motorsiklo na walang plate number, nakasuot ng kulay itim na sweatshirt, kulay pula na sling bag at puti na tsinelas.
Dito, hinarap ng suspek ang biktima at nakipag-usap pa.
Ilang minuto ang makalipas at paalis na sana ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo, bigla na lamang bumunot ng baril ang suspek at binaril ito ng malapita sa ulo dahilan para bumagsak ito sa semento.
Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon habang dinala naman sa ospital ang biktima pero idineklara na rin itong patay ng umatending doktor.
Sa ngayon may persons of interest na ang pulisya at inaalam na ang motibo sa krimen. Mary Anne Sapico
Hazard pay sa disaster response personnel, isinulong ni Bong Go

January 27, 2023 @1:13 PM
Views: 14