PAGHILOM TUNGO SA PAGKAKAISA

PAGHILOM TUNGO SA PAGKAKAISA

May 27, 2022 @ 7:05 PM 1 month ago


MAGIGING daan patungo sa tunay na pagkakaisa ng sambayanan ang proklamasyon kahapon ng Kongreso kIna President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice-President-elect Sarah Duterte Carpio bilang lehitimong pinakamataas na mga opisyal na hahawak ng renda ng Malakanyang sa susunod na anim na taon.

Hindi man personal na inanunsyo ng natalong si VP Leni ang panawagan nitong respetuhin ang boses ng nakararaming bomoto kay Bongbong subalit ang hindi pagkuwestyon ng abogado niyal na si Atty. Romulo Macalintal kaugnay sa proseo ng canvassing ay hudyat ng pakikiisa nito sa bagong administrasyon.

Masakit man tanggapin ng kampo ni VP Leni ang pagkatalo niya, lalo na sa mga tagasuporta nito, subalit unti-unting lilipas din ito kung isasaksak sa kanilang isipan na kailanman ay marapat yakapin ang pas-ya ng higit sa nakararaming kababayang naniwala kay Bongbong.

Sa totoo lang, si Bongbong at pamilya nito ang dumanas ng masaklap na pambabalahura ng oposisyon lalo na ang mga dilawang walang puknat na bumatikos at patuloy na tumitira sa pamilya Marcos.

Sabi nga ni Senador Imee Marcos, halos apat na dekadang kinutya, niyurakan ang pagkatao, binastos at inaapakan ng mga kalaban ang kanyang pamilyang sukdulang sumuko na ngunit patuloy na lumaban hanggang maibangon  nito ang kanilang dangal sa pamamagitan ng naganap pa lang na eleksyon.

Hindi ba’t ang tunay na nasaktan ay si Bongbong subalit tinalikuran niya ang lahat ng pambabatikos upang ipakita sa sambayanan na sa pamamagitan niya, mapagkaisa ang lahat tungo sa magandang kinabukasang kailangan upang tuluyan na tayong makabangon krisis.

Ang punto, kung ipinamalas ni Bongbong na higit na sugatan sa kaugnay sa nangyaring pangungutya sa kanya sa loob ng mahabang panahon, ang panawagan ng pagkabuklod-buklod ng bawat Pilipino, marapat na makiisa na rin dito ang lahat na bumira sa kanya.

Kunsabagay, si Bongbong talaga ang simbolo ng tunay at totoong lider bunsod sa hindi man lang nito kinimkim ang naranasang sama ng loob mula noon hanggang ngayon na nagdulot ng malalim na sugat sa kanyang pagkatao.

Anomang puna o reaksyon, i-text sa 09999388537/email [email protected]