Paghimay ng Kamara sa 2023 nat’l budget target tapusin sa Miyerkules

Paghimay ng Kamara sa 2023 nat’l budget target tapusin sa Miyerkules

September 27, 2022 @ 1:14 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Inaasang ipapasa bukas, Miyerkules, sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang 2023 General Appropriations Bill.

Ito ay matapos tiyakin ni House Speaker Martin Romualdez na malaki aniya ang maitutulong ng sertipikasyon ni Pangulong Ferdinand “BongBong” Marcos sa panukalang badyet bilang “urgent”upang ito ay agad na maipasa.

“We are right on track with our schedule. The certification from Malacañang will enable the House of Representatives to approve the 2023 GAB on second and third reading on the same day which we set on Wednesday.”

Sa Biyernes ay magkakaroon ng unang recess ang 19th Congress at bago aniya magbakasyon ang mga mambabatas ay siguradong naikasa at naaprubahan na ang P2.268-trillion “Agenda for Prosperity” 2023.

Kasabay nito ay binanggit ni Romualdez ang pagkakapasa ng Malaking Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo at pagbasa sa House Bill (HB) No. 5001 o ang “free college entrance exam act”.

Sa botong 252 ay naaprubahan ang panukalang naglalayong mai-waie ang college entrance examination fees para sa sa kuwalipikadong mag-aaral.

“This is our commitment to help promote lifelong learning opportunities and boost sustainable development in the countryside. We know the importance of quality education in changing the world,” ani Romualdez.

Sinimulan kahapon ang marathon session para mapatuunan at ratsadahin ang paghimay at debate sa panukalang pondo para sa 2023.

Ang HB5001 ay nag-aatas sa mga private higher educational institutions na alisin na ang entrance examination fees sa mga mahihirap na graduating high school students at high school graduates na kabilang sa the top 10 ng graduating class.

Batay sa panukala, “Commission on Higher Education (CHED) is mandated to impose sanctions on violators of the proposed Free College Entrance Examinations Act. The CHED, in coordination with the Department of Education and the Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines, would also implement the rules and regulations within 90 days from the enactment of the proposed law.”

Sa botong 250 na pinangunahan din ni Romualdez ang pagpapasa sa House Bill 4125 na magpapatatag at ginagawang simple ang pagbabayad ng tax returns at ang proseso nito.

Ang panukalang “Ease of Paying Taxes Act,” ay nagsusulong upang mapadali ang medium taxpayer classification at inaamiendahan nito ang Republic Act No. 8424, na kilala bilang “The National Internal revenue Code of 1997.” Meliza Maluntag