Paghimay sa 2023 budget, umarangkada sa Kamara

Paghimay sa 2023 budget, umarangkada sa Kamara

August 26, 2022 @ 6:15 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Umarangkada na ngayong araw ang deliberasyon sa kauna-unahang pambansan badyet sa ilalim ng administrasyng Marcos, ang panukalang P5.268-Trilyong 2023 na tinawag na “Agenda for Prosperity.”

Humarap sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang mga mga kongresista sa pangunguna ni House Speaker Martin Romualdez at mga miembro ng makapangyarihang House committee on Appropriations.

Pinangunahan naman nina Budget Secretary Amenah Pangandaman, Finance Secretary Benjamin Diokno, Secretary Arsenio Balisacan ng National Economic and Development Authority, at Gov. Felipe Medalla ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang briefing sa mga mambabatas upang mabigyan ng paunang impormasyon sa kalagayan ng pananalapi ng bawat departamento.

Sa panig ni Romualdez ay nagbigay ito ng katiyakan sa kaniyang mga kasamahan na ang 2023 national budget ay “effectively respond to the needs of the people, especially in addressing the continued impact of the health crisis, and in creating more jobs and ensuring food security.”

Maging aniya ang proseso ng paghimay sa pondo maging sa deliberasyon ay gagawin itong transparent sa pagsasabing “the budget will be product of the entire House of Representatives, where the majority will listen to the minority’s concerns and of source, we as the representatives of the people, will also be attuned to their needs. This budget basically represents the hope of the future and the agenda for prosperity in the country this coming 2023.”

Umaasa si Speaker Romualdez na maaapruba ang 2023 General Appropriations Bill (GAB) sa bago ang September 30 dahil ang Kongreso ay nakatakdang mag-recess sa October 1 hanggang November 6.

Sa panig naman nina Marikina City Rep. Stella Quimbo, senior vice chairperson ng committee on appropriations at ng chairman nito na si Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na inaasahang tatapusin ang pagdinig sa badyet ng hanggang September 16 kung saan tinatayang dalawang linggo, araw-araw ang paghimay dito.

Ayon sa DBM, nakasentro ang 2023 national proposed budget sa eight-point agenda sa food security, transportasyon, murang kuryente, social services, health care, face-to-face education, bureaucratic efficiency at maayos na paggugol.

“The agriculture sector will receive a substantial increase of 39.2 percent, with a total proposed budget of P184.1 billion, to ensure food security and agricultural productivity,” ayon pa rin sa DBM.

Ang proyektong Build Better More Program, “to propel growth in agriculture, trade and tourism sectors and eventually reduce transportation and logistics costs” ay pinaglaanan ng malaking bulto ng badyet subalit ang sektor ng edukasyon ang siyang may pinakamalaking alokasyon na P852.8 bilyon at sa kalusugan naman ay P296.3 bilyon. Meliza Maluntag