Paghina kamakailan ng piso kontra dolyar, hindi dapat ipag-alala

Paghina kamakailan ng piso kontra dolyar, hindi dapat ipag-alala

July 8, 2021 @ 7:54 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Hindi “Cause of concern” ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagbaba kamakailan ng halaga ng piso kontra US dollar.

Ito ay sa kabila ng pag-aangkat ng bansa ng maraming produkto para solusyunan ang mga problema sa local supply.

Pero ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, ang galaw ng piso ay natutukoy sa pamamagitan ng suplay at market conditions at ng lahat ng iba pang pera na humina kontra dolyar.

“That means it is the dollar that is strong, not the peso that is weak,” paliwanag ni Diokno.

Mula 47.66 per dollar noong June 7, nagsara ang piso sa 49.79 noong July 7, base sa datos mula sa Bankers Association of the Philippines.

“We participate in the market only to minimize fluctuations. Our defense to the peso right now is our hefty, GIR [gross international reserves] and the steady inflow of dollars brought about by our steady sources, like OF [overseas Filipino] remittances, payments of BPO, and foreign direct investments,” saad niya. RNT