Paghina ng piso mahigpit na binabantayan ni Marcos – Palasyo

Paghina ng piso mahigpit na binabantayan ni Marcos – Palasyo

September 27, 2022 @ 5:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Mahigipit na binabantayan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang halaga ng Philippine peso laban sa US dollar, ayon sa Office of the Press Secretary nitong Martes.

Sinabi ni Cruz-Angeles na tinalakay ito sa ika-9 na Cabinet meeting. Subalit, aniya, regular naman itong binabantayan ng Pangulo.

“The President is in constant touch with the economic team and they are closely monitoring this. As you know naman, the inflation rate isn’t due to any local factors. It’s really about the exchange rate,” ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa isang press briefing.

“But, it is a matter for the President, which the President closely monitors on a regular basis,” dagdag niya.

Bumulusok ang piso nitong Biyernes sa pinakamababang halaga laban sa US dollar sa inaasahang agresibong monetary policy tightening sa United States.

Sumadsad ang piso sa P58.5:$1. Ito ang ika-apat na sunod na araw na naitala ang pinakamababang halaga nito. RNT/SA