Paghirang kay CGMA bilang speaker, hindi kudeta – solon

Paghirang kay CGMA bilang speaker, hindi kudeta – solon

July 24, 2018 @ 2:18 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Hindi kudeta ang nangyaring paghirang kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang liderato ng Kongreso.

Ito ang iginiit ng ilan sa 200 mambabatas na bumoto kay Pampanga Rep. Arroyo para pumalit kay dating Speaker Pantaleon Alvarez kahapon bago ang ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“It’s not a coup. Why do I say that? Simply because the proceeding was approved by the majority of the members of congress in the plenary,”ayon kay Capiz Rep. Fredenil Castro sa isang panayam sa telebisyon.

Sa pagbubukas ng sesyon ng Kamara kahapon ay nagkaisa ang karamihan sa mga kongresista na bumoto para palitan ang kanilang liderato.

Naniniwala si Castro na isa sa mga dahilan kung bakit natanggal si Alvarez ay ang pagiging malayo nito sa iba pang miyembro ng Kamara.

Sa botong 184 mula sa 244 na mambabatas na dumalo sa panimula ng sesyon ay hinirang si Arroyo bilang bagong House Speaker. (Remate News Team)