Paghirang kay Khabib bilang best P4P kinontra ni Jon Jones

Paghirang kay Khabib bilang best P4P kinontra ni Jon Jones

October 29, 2020 @ 2:00 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

ABU DHABI – Hinirang ng Ultimate Fighting Championship (UFC) si Khabib Nurmagomedov bilang best mixed martial arts fighter sa mundo matapos nitong ianunsyo ang pagreretiro sa UFC.

Matatandaang naidepensa ni Nurmagomedov ang kanyang hawak na UFC lightweight world title kontra kay Justin Gaethje via 2nd round submission nitong nakaraang Linggo.

Agad din nitong inanunsyo ang kanyang pagreretiro noong gabi ng kanyang panalo dahil wala na umano siyang dapat patunayan at bunsod na rin nang pagkamatay ng kanyang ama na si Abdulmanap. Nagretiro ito na walang talo sa record na 29-0.

“It was work of my life, I never got anything easy and nothing was given to me because I’m nice guy,” ani Nurmagomedov sa kanyang Instagram.

“Hard work, hope for Allah and patience, this three ingredient helps me to get successful, and of course, control and advises from my Father, who invested in me a lot of time and work,” wika pa nito.

Dahil sa pagkaluklok kay Nurmagomedov sa No. 1 spot sa pound-for-pound rankings, nalaglag naman si former UFC light heavyweight world champion Jon Jones sa number two na hindi nito ikinatuwa.

“This is number one bullsh*t,” ani Jones sa kanyang Twitter.

Sinabi rin ni Jones na hindi si Nurmagomedov ang greatest of all time na umakyat sa cage.

“Unanimous decision over last minute replacement Al Iaquinta to become champion, Conor McGregor is the only opponent he’s ever had that the general public actually knew,” banat ni Jones.

“Catapulted my man to becoming the best ever, this is hilarious,” dagdag pa nito. Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...