Paghostage kay De Lima pinaiimbestigahan sa Kamara

Paghostage kay De Lima pinaiimbestigahan sa Kamara

October 11, 2022 @ 9:49 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Isang resolusyon ang inihain ng Makabayan bloc sa Kamara na nagsusulong na magkaroon ng imbestigasyon sa naganap panghohostage kay dating Sen. Leila de Lima ng mga inmates ng Philippine National Police (PNP) Custodial Center.

Sa House Resolution 437 na inihain nina Gabriela Partylisr Rep.  Arlene Brosas of Gabriela, ACT Teachers Partylist Rep France Castro at Kabataan Partylist Rep Raoul Manuel ay hiniling nito sa House public order and safety committee na pangunahan ang gagawing House Inquiry.

“There is a need to thoroughly investigate the hostage-taking incident, considering that the PNP Custodial Center is a maximum security facility and is well within the headquarters of the PNP,”nakasaad sa resolusyon.

Si De Lima na 2017 pa nakapiit sa Camp Crame ay matatandang saglit na hinostage ni Abu Sayyaf member Idang Susukan noong Linggo matapos mapatay na ang dalawang kasamahan nito na sina Feliciano Sulayao Jr. at  Arnel Cabintoy nang makorner ng mga pulis sa kanilang tangkang pagtakas.

Kasabay nito ay umapela muli ang Makabayan Bloc na palayain na si de Lima na malinaw na walang kasalanan sa mga bintang laban sa kanya.

“De Lima still remains in detention for false allegations of involvement in the illegal drug trade inside the New Bilibid Prison during her stint as Justice Secretary. The incident exposed how the former senator’s life and safety is at serious risk even inside the detention center, thereby strengthening the call for her immediate release from prison,” ayon sa mga mambabatas.

Matatandaan na sa salaysay ni de Lima sinabi nito na alas 6:40 ng umaga nang maganap ang panghohostage kung saan biglaang pumasok sa kanyang selda si Susukan habang ito ay nasa gitna ng kanyang pagrorosaryo.

Ilan umano sa hiling ng hostage taker ay isang Hummer na sasakyan,  C-130 na eroplano na magdadala sa kanya sa Sulu at media coverage sa nangyayaring hostage taking. Gail Mendoza