Paghuhugas ng plato, nakababawas ng stress

Paghuhugas ng plato, nakababawas ng stress

April 21, 2019 @ 4:48 PM 2 years ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Aminin man o hindi, isa ang paghuhugas ng plato sa pinakainaayawang gawaing bahay ng bawat isa sa atin, lalong lalo na kung masebo at malalaking kaldero na ang pinag-uusapan.

Pero kahit gaano kabigat sa kalooban ang paghuhugas ng plato, isang pag-aaral mula sa Florida State University (FSU) ang nakatuklas na ang gawaing ito ay nakapagbababa ng stress level ng isang tao – kung ito ay gagawin ng maluwag sa damdamin at isipan.

Sa pag-aaral, pinangungunahan ni FSU doctoral candidate Adam Hanley,  inatasan ang 51 estudyante na maghugas ng plato. Pero bago magsimulang maghugas, ang mga partisipante ay inatasang magbasa ng passages tungkol sa paghuhugas: kalahati ay binigyan ng maikli at “straightforward” na passage habang ang kalahati pa ay pinabasa ng passage na nakasentro sa pagiging “mentally present” o pag-enjoy sa karanasan ng paghuhugas ng plato.

Hinihikayat ng nakasulat sa passage ang mga partisipante na bigyang halaga ang karanasan sa paghuhugas ng plato – halimbawa ay ang temperatura ng tubig, maging ang amoy ng sabon.

Dito natuklasan na ang grupo ng mga partisipante na naghugas ng plato nang nag-iisip at nag-eenjoy ay nagkaroon ng 25% na pagtaas ng pagiging inspired at 27% na pagbaba ng pagkanerbiyos. Samantala, ang mga partisipante namang nakabasa ng simple at straightforward na passages ay hindi kinakitaan ng pagbabago.

Pinapatunayan lang ng pag-aaral na kahit na ang paghuhugas ng plato ay hindi ang pinakamasayang gawaing bahay ay mayroon pa ring paraan para ma-enjoy ito – ang pag-focus sa karanasan.

Ayon sa konklusyon ng mga awtor ng pag-aaral, “It appears that an everyday activity approached with intentionality and awareness may enhance the state of mindfulness.”

Kaya naman sa susunod na magkakaroon ng handaan, magpresenta ka nang maghugas ng plato nang sa gayon ay mabawasan ang iyong stress at para na rin mabawasan ang stress ng iyong nanay./Remate News Team


  •  
  •  
  •  

Loading...