Paghuhukay sa mga kalsada, singilin ng mataas-Rep. Atienza

Paghuhukay sa mga kalsada, singilin ng mataas-Rep. Atienza

June 17, 2018 @ 5:27 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Upang madisplina at masigurong matatapos sa oras ang mga ginagawang paghuhukay ng mga public works contractors at utilities sector sa mga kalsada, nais ng isang mambabatas na magpalabas ng Executive Order ang Malacanang na nag-aatas ng mas mataas na singil kada-oras sa mga naghuhukay.

Ayon kay Buhay Partylist Rep Lito Atienza, malaking porsiyento ng nararanasang trapiko sa Metro Manila ay sanhi ng mga nakatenggang road excavations, hindi umano ito natatapos sa oras kaya naman ang resulta ay dagdag trapiko.

“The bottlenecks created by these messy road diggings cost us billions of pesos in lost economic productivity. Manufacturing activities are being disrupted, deliveries are getting stalled, and people are unable to get to work on time,” paliwanag ni Atienza.

Ani Atienza sa dami ng ginagawang paghuhukay na ginagawa ng mga private firms na nagsusuplay ng tubig, gas, kuryente at paggawa ng kalsada ay asahan na ang dagdag trapiko lalo tuwing rush hour, aniya, kung natatapos sa oras ang paghuhukay ay walang reklamo subalit ang nakakalungkot ay karamihan sa mga paghuhukay ay mabagal at hindi natatapos sa oras.

Ang solusyun na nakikita ni Atienza para paspasan ang ginawang paghuhukay ay kada oras ang singil na gawin sa paghuhukay at kung gagawa kapag weekdays ay mas mataas ang dapat na ibayad.

Noong nakaraang taon ay nagpatupad ang pamahalaan ng alituntunin na ang paghuhukay ay gagawin lamang sa pagitan ng alas 10:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng madaling araw at gumamit ng quick drying cement subalit aminado si Atienza na hindi rin ito nasusunod at maraming nakikitang paghuhukay maging sa umaga habang ang ilang hukay ay iniiwan na nagdudulot din ng pagsisikip ng trapiko.

“Surely if the Palace can issue an EO imposing stricter smoking ban guidelines, it can also come up with one enforcing harsher rules on road diggings,” pagtatapos pa ni Atienza. (Gail Mendoza)