Paghuli sa topless at nagyoyosi sa kalsada pinaigting ng NCRPO

Paghuli sa topless at nagyoyosi sa kalsada pinaigting ng NCRPO

October 8, 2018 @ 1:41 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Paiigtingin pa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kampanya laban sa mga residenteng walang damit pang-itaas at naninigarilyo habang pagala-gala sa kalsada.

Ayon kay NCRPO chief Director Guillermo Eleazar, huhulihin nila mga makikitang walang saplot pang itaas sa kalsada at maging ang mga naninigarilyo sa pampublikong lugar bilang pagtalima sa lokal na ordinansa ng bawat siyudad at bayan sa Metro Manila.

Sinabi ni Eleazar, sapul nang simulan nila ang nasabing kampanya, umabot na sa 24,726 ang naarestong half-naked o 7.12 percent habang nahuli naman sa paninigarilyo ang nasa 110,904 saan nasa kabuuang bilang na 347,308 na lumabas sa Metro Manila.

Napag-alaman na ang Quezon City Police District ang top performer sa istriktong implementasyon ng local ordinances, saan nasa 195,273 ang lumabag o 56 percent ng kabuuang bilang ng naaresto sa buong rehiyon.

Nakapaloob sa kampanya ang paghuli sa mga umiinom sa kalye at lumalabag sa curfew hours.

Gayunman, niilinaw ni Eleazar na pinakakawalan agad ang mga lumabag matapos mabigyan ng babala habang ang iba ay pinagmulta. Beth Dominguez