Pagiging fact checker, precinct finder ng Rappler, kinuwestyon ng BBM camp
March 1, 2022 @ 3:10 PM
4 months ago
Views:
339
Remate Online2022-03-01T15:16:48+08:00
MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pagkabahala ang kampo ni Presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa partnership ng Commission on Elections (Comelec) sa online news site na Rappler kaugnay ng nalalapit na halalan sa Mayo.
Ayon sa campaign manager ni Marcos at dating MMDA chairman Benhur Abalos, sa pamamagitan ng sulat ay hiningan nila ng paglilinaw ang Comelec hinggil sa paglagda nito ng kasunduan sa Rappler para payagan itong magsagawa ng fact check sa mga pahayag ng mga kandidato gayundin ang paglikha ng precinct finder para sa mga botante.
“Ang Rappler daw ay parang pinapayagan ng Comelec na sya ay gumawa ng fact checker, inatasan. At pangalawa, nakalagay rin dito. Comelec will also allow Rappler to embed its online precinct finder once it has become available. So dalawang issue,” giit ni Abalos.
Bukod dito, Iginiit din ni Abalos na pagmamay-ari ng mga dayuhan ang nasabing online news site.
“Alam niyo ho sa ating Pilipino, lalo na sa Constitution, sagrado ang eleksyon. At klaro dyan, dapat walang mangialam na dayuhan dito.”
Nababahala rin ang kampo ni Marcos sa pagpapahintulot sa Rappler na maging precinct finder, na nangangahulugang magkakaroon ito ng access sa database ng Comelec.
“May issue tayo rito sa Right of Privacy Law. That could be a violation,” punto pa ni Abalos.
“These are issues na tingin ko naman ay valid na sanay maklaro muna. We’re just waiting [for the Comelec’s response] because for us, this is very disturbing,” dagdag niya.
Walang pang tugon ang Rappler ukol sa komento ni Abalos. RNT
June 30, 2022 @6:14 PM
Views:
0
MANILA, Philippines – Nalasap ng Gilas Pilipinas ang mapait na pagkatalo kontra Tall Black ng New Zealand, 106-60, sa kanilang unang laban sa 3rd window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Auckland, New Zealand.
Ginamit ng Tall Blacks ang matinding sigwada sa first half, kung saan agad nilang dinurog ang national team at nilimitahan ang Gilas sa walong puntos kontra sa 24 sa unang quarter at tapusin ang half sa iskor na 47-21. Humabol ang Gilas, 23-13, sa opening frame.
Matapos ang nakadidismayang first half, naging agresibo ang national team at nagpakita ng impresibong laro sa third quarter kung saan umiskor ang Gilas ng 22 points, pero nanatiling malakas ang New Zealand at hinawakan ang 73-43 na kalamangan sa payoff period.
Samantala, ipinagpatuloy ng Tall Blacks ang kontrol sa laro na nagresulta sa pagtipa nila ng kanilang ikaapat na panalo sa torneo.
Sa nakaraang window ng qualifiers, tinalo rin ng New Zealandad ang Gilas, 88-63.
Dahil sa pagkatalo, nalugmok ang Gilas sa kartadang 1-2 sa tournament at babalik sila sa bansa upang sagupain naman ang higanteng team ng India sa Linggo ng gabi sa Mall of Asia Arena.
Target ng Gilas na talunin ang India.RICO NAVARRO
June 30, 2022 @6:12 PM
Views:
2
MANILA, Philippines- Hindi bababa sa 25 indibidwal na dumalo sa inagurasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa National Museum of Fine Arts nitong Huwebes ang nakaranas ng pagkahilo at high blood pressure.
Ayon sa mga tauhan ng Department of Health, dinala sa tent ng medical team sa museum ang mga pasyenteng edad 40 hanggang 55 taon.
Anila pa, siyam pang indibidwal na dumalo sa inagurasyon ang nagpa-check ng kanilang blood pressure.
Halos 7,000 indibidwal kasama ang VIPs ANG dumalo sa inagurasyon, ayon kay Manila Police District spokesperson Police Major Phillip Ines. RNT/SA
June 30, 2022 @6:00 PM
Views:
13
MANILA, Philippines- Nanawagan si former President Rodrigo Duterte nitong Huwebes sa mga Pilipino na suportahan ang bagong administrasyon ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
“Let us give all our support to the new administration…tulungan natin sila,” sabi ni Duterte sa isang video ni former Presidential Communications Secretary Martin Andanar.
“I am a student of government. I have been in the government for so long. I assembled one of the best Cabinet ever,” dagdag niya.
“Totoong-totoo ‘yan. Piling pili ko.”
Samantala, sa isang ulat, nakita si Duterte na namimili at nanananghalian sa isang mall sa Makati City matapos umalis sa Malakanyang sa huling pagkakataon bilang presidente.
Batay sa ulat, kasama ni Duterte ang mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG.)
Nakatakdang umuwi si Duterte sa Davao City sa araw na ito. RNT/SA
June 30, 2022 @5:58 PM
Views:
10
MANILA, Philippines- Kumpiskado ang poster ni dating VP Leni Robredo mula sa isang lalaki na dumalo sa inagurasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Val Leonardo
June 30, 2022 @5:48 PM
Views:
13
MANILA, Philippines- Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kahalagahan ng pagpapalakas at paglikha ng relasyon sa ibang estado.
Naniniwala kasi si Pangulong Marcos na ang transformation ng world economy at post-pandemic recovery ay depende sa ‘partnership’ nito sa ibang bansa.
Inihayag ito ni Pangulong Marcos sa harap ng mga foreign dignitaries na nakiisa sa kanyang vin d’honneur sa National Museum of Fine Arts.
“It has become very clear and I think that I may be repeating myself to some of you as I have spoken with you before but I still believe that the transformation of the world economy and our recovery from the pandemic will be dependent on our partners and our allies. And it will be those partnerships that will strengthen that recovery, that will make a more balanced and stable new global environment for us to work in,” ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Marcos.
“I cannot think of a better beginning to a new administration than to be able to have determined the partnerships and strengthen the relationships between our countries and that is something that we will work with very very clearly,” aniya pa rin.
Ikinatuwa naman ni Pangulong Marcos ang “common advocacy” ng lahat ng foreign dignitaries sa pagtugon sa climate change, sabay sabing ang usaping ito ay napakahalaga dahil na rin sa Pilipinas ay nasa “most vulnerable position” kumpara sa ibang bansa.
“I was especially struck by the importance that all of your countries have come to put on climate change. I believe that it was unanimous that all the ambassadors, all the representatives from the different countries who I have met with have each made offers of help in terms of mitigation and adaptation to climate change,” ayon sa Chief Executive.
“We have seen and it has been proven to us very clearly in the past weeks and months how interconnected the world is now, how interconnected the economies are, how interconnected the political systems are, how interconnected our cultural and educational relationships are. We can only go from here to strength, and to strength, and to strength,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, pinangunahan din ni Apostolic Nuncio of the Holy See to the Philippines at Dean of the Diplomatic Corps, ang Most Reverend Archbishop na si Charles John Brown ang ‘toast” para batiin ang bagong Pangulo ng Pilipinas.
“The Filipino people have placed their trust and their hopes in you, the hopes for a future that is prosperous, safe, equitable and just,” ayon kay Brown.
“I know that I speak for all the diplomats gathered here with you this afternoon when I say that we too, in the international community, harbor the same hopes for your presidency and for your nation and that we pledge our cooperation and our collaboration with your administration in achieving the success of your mandate,” ayon pa rin sa apostolic nuncio.
Kagaya sa mga nakaraan, sinabi ni Brown na mayroong mga kahaharaping hamon ang incoming administration subalit bitbit ni Marcos ang “an extensive experience of many years in governmental service” at ang kanyang panawagan na pagkakaisa ay umalingawngaw ng malalim at malawak sa sambayanang filipino.
“For these reasons, you begin your term as president with a strong note of hope and confidence in the future,” dagdag pa ng apostolic envoy.
Sa kabilang dako, may ilan namang foreign dignitaries ang nakiisa sa inagurasyon ni Pangulong Marcos bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas.
Kabilang naman sa mga foreign officials na dumalo ay sina US Second Gentleman Douglas Emhoff, Australian Governor-General David Hurley, Vice President Wang Qishan of China, Vice President Võ Th? Ánh Xuân of Vietnam, at Thailand Deputy Prime Minister Don Pramudwinai. Kris Jose