Pagiging health OIC ni Vergeire, ‘di masasagasaan ng circular ni PBBM

Pagiging health OIC ni Vergeire, ‘di masasagasaan ng circular ni PBBM

December 13, 2022 @ 4:24 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Martes na ang kanyang appointment bilang officer-in-charge ng ahensya ay hindi apektado ng memorandum na ipinalabas ng Office of the President noong Hulyo.

Sa memorandum circular, nakasaad na “all OICs of departments, agencies, bureau and office, non-CES officials occupying CES positions and contractual or casual employees covered shall continue to perform their duties and discharge their functions until 31 December 2022”.

Limang buwan mula nang maupo sa pwesto, hindi pa nakapagtatalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Secretary of Health.

Sa isang media forum, ipinaliwanag ni Vergeire kung bakit hindi apektado ng memorandum circular ang kanyang pwesto.

“I am not affected by the memo circular because I am a career executive. Itong memo circular coming from the Office of the President, memo circulars 1-3, applies only to non-CESOs occupying CESO position,” pahayag niya.

“It specifically stated this grant of authority shall take effect immediately and until a Secretary of Health has been duly appointed or unless this grant of authority is sooner revoked,” dagdag nia Vergeire.

Tanging DOH ang government agency ang wala pang kalihim mula Hulyo 2022. RNT/SA