Pagiging kampante vs COVID, ibinabala ng eksperto sa pagpapalutang ng ‘herd immunity’

Pagiging kampante vs COVID, ibinabala ng eksperto sa pagpapalutang ng ‘herd immunity’

December 9, 2021 @ 9:04 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hindi dapat makampante at patuloy na mag-ingat dapat ang mga Pilipino laban sa COVID-19, ayon sa isang eksperto,

Ito ay matapos na palutangin ng ilang mga health advocate at ang anunsyo ng Department of the Interior and Local Government na nakamit na ng 23 syudad na a ng herd immunity.

Sinabi ni Dr. Lulu Bravo, director ng Philippine Foundation for Vaccination, ma wala pang ebidensya na ang “acquired herd immunity” ay magiging epektibo laban sa Omicron variant.

Ang Omicron ay isang bagong variant of concern ng COVID-19 na sinasabing mabilis makahawa, pero hindi pa sapat ang ebeidensya ukol sa lala nito.

“Even for the herd immunity, specific ‘yun para sa sakit na nandyan kumakalat,” ani Bravo sa interbyu.

“Eh, ‘yung tinatawag nating variant, hindi tayo sigurado na ‘yung variant na darating ay… malalabanan nitong ating dati nang nakuhang herd immunity,” giit pa niya.

“So ‘wag muna tayong kompyansa at masyadong confident na hindi na tayong magkakaroon ng variant sapagkat ang mutation po ay posibleng dumating sa ibang lugar at pumasok sa inyong lugar,” paalala ng eksperto.

Dagdag pa ni Bravo, mayroong mga batayan para masabing nakamit na ng bansa ang herd immunity at kabilang dito ang pagbabakna sa 80% ng populasyon.

“‘Yun ang number one na kailangan mo makita. Pero gagawin ‘yun as a research. Talagang titignan mo ‘yung kanilang mga blood, kukuha ka ng sample.”

“Maski hindi mo kunin siguro ‘yung blood. Pag nakita mo na wala na halos nag tra-transmit at mababang mababa na ‘yung mga kaso, pwede natin sabihin na naka-kamit na tayo ng herd immunity,” dagdag pa ni Bravo. RNT