Pagiging magkatuwang ng US, Pinas pinagtibay ng bagong US envoy to PH

Pagiging magkatuwang ng US, Pinas pinagtibay ng bagong US envoy to PH

July 22, 2022 @ 6:36 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Binisita ni United States Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson nitong Biyernes si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at nangako na ipagpapatuloy ng Estados Unidos na maging katuwang ng Pilipinas.

“We are fellow democracies, bound by a rich shared history. We share the powerful, positive ties of family, embodied in the four million Filipino-Americans in the United States and the 350,000 US citizens in the Philippines,” pahayag ni Carlson.

“Our alliance is a bedrock of our bond, and our Mutual Defense Treaty and other agreements are at the heart of our commitment to help defend the Philippines’ sovereignty and independence,” dagdag niya.

Sa kanyang pagbisita, ipinrisinta ni Carlson ang kanyangcredentials kay Marcos na nagtatakda sa opistal na pagsisimula ng kanyang termino bilang envoy.

“I arrived in Manila inspired by the bond between our great nations and devoted to making it even stronger. I feel especially fortunate to arrive in the early days of your administration,” sabi ni Carlson.

“The United States is committed to partnering with you and your team as you move ahead. As you act to ensure the security, prosperity, and freedoms of the Philippine people, we are here to help, and invested in your success,” patuloy ng envoy.

Ayon pa kay Carlson, umaasa siya sa pagtutulungan ng Pilipinas at US para makalikha ng bagong trade at investment ties, pagiging magkatuwang sa clean energy solutions, at pagprotekta sa marine at terrestrial resources, maging pagtalakay sa climate crisis. RNT/SA