Pagiging organic food basket ng Pinas, tututukan ng Ormoc

Pagiging organic food basket ng Pinas, tututukan ng Ormoc

October 23, 2022 @ 12:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Kasunod ng selebrasyon ng ika-75 anibersaryo ng Ormoc, tiniyak ng lokal na pamahalaan na isa sa programang tutukan nito ay ang maging Organic Food Basket ng bansa.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez na bagama’t malaking milestone na ang pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng Ormoc ay marami pa ang dapat na gawin at isa sa programang nais nyang tutukan ay ang Ormoc Organic Program.

“While we have achieved significant milestones, we realize that there is so much more for us to do. Ormoc City and the Ormocanon people have high aspirations to be a healthy blue zone city, to be a city of beautiful spaces and deep cultural appreciation and development. This is of course, side by side our economic goals, and one of our priorities is to become the organic food basket for the Visayas, serving all Filipinos nationwide,” pahayag ni Torres-Gomez.

Sinabi ng alkalde na ang Ormoc City ay may fertile lands na angkop sa pagtatanim ng prutas at gulay kaya naman palalawakin ng lungsod ang Organic Program nito mula sa marketing, selling, processing, packaging at pagbibigay suporta sa mga magsasaka.

“We will continue to support farmers through farm inputs, subsidies, livelihood and product development, training and advocacy in organic farming, equipment, and fishery management and licensing services,”p ahayag ni Gomez-Torres.

Nagsilbing pangunahing pandangal sa ika-75 charter day ng Ormoc si Pangulong Bongbong Marcos, sa kanyang talumpati ay nagpaabot ng kanyang pasasalamat ang Pangulo sa naging suporta ng Ormocanons sa kanyang kandidatura.

Ayon kay Torres-Gomez hindi lamang noong 2022 election ang kanilang suporta kay Marcos kundi sa buong 6 na taong termino nito.

“Mr. President, during your last visit to Ormoc City, the entire city rallied behind your candidacy. — What a joy it is for all of us today, to finally welcome you again as the 17th president of the Republic of the Philippines. Thank you for gracing this most momentous day in the history of this City of Beautiful People—the commemoration of the 75th Charter Day of Ormoc City,” pahayag ng alkalde.

Naging tampok sa isa-buwang selebrasyon ang pagpapasinaya sa bagong City Marker ng lungsod.

“Today, the City of Ormoc is standing on higher ground. I salute all the city mayors before me, most especially then-Mayor, now Congressman Richard Gomez, who set the stage of peace and prosperity, for the next chapter of successful socio-economic development of the city,” pahayag nito.

Sa nasabing okasyon nagbigay pa ng trivia ang alkalde, aniya, noong October 24, 1982 o 40 taon nakakaaraan ay bumisita sa Ormoc si dating President Ferdinand E. Marcos Sr para pasinayaan ang Leyte Industrial Estate, ang dating Pangulo din ang syang nagsulong ng Tongonan Geothermal Power plants sa Ormoc.

“I am very pleased to say that these economic infrastructure projects from the previous Marcos administration, still continue to bear fruits up to this very day. With the present Marcos administration, I have no doubt that our city will be more blessed than ever!” dagdag pa nito.

“Mr. President, with you at the helm, we are confident that our country will successfully weather through these global turbulent times. The City of Ormoc humbly takes your lead. Once again, thank you for honoring our city with your presence,” ani Torres-Gomez.

Sa kanyang panig, kinilala ni Ormoc Rep. Richard Gomez ang pagiging masipag, masiyahin, matatag at mapagmahal na katangian ng mga Ormocanons.

“The forefathers of Ormoc bravely pressed on through pre-colonial invasions and centuries of colonial rule. It was not until 1834 that Ormoc was founded as its own municipality, breaking off from its mother town of Palompon. With fortitude and persistence, the Ormocanons rode through the ups and downs of our country, through changes in governments and even through World War II,“ ani Gomez.

“They say that surviving adversity only makes us stronger; and there is no better example of strength, perseverance, bravery and grace, in the face of great difficulties as the Ormocanon people. Our people have experienced more than our fair share of hardships in the most recent decades– from the Flash Flood of 1991 to Typhoon Yolanda of 2013, to the earthquake of 2017, up until the most recent super typhoons and the COVID-19 pandemic. Through it all, the Ormocanon people still stand strong, still arm in arm, and still smiling. For all of these reasons, I am very proud to be an Ormocanon,” dagdag pa ng solon.

Kasama rin na dumalo sa selebrasyon ng Ormoc City sina Department of Tourism Sec. Christina Garcia-Frasco; Ambassador Marykay L. Carlson; Postmaster General Norman Fulgencio, Vice Mayor Carmelo Locsin Sr. at ang mga opisyal ng Ormoc Development Team. Gail Mendoza