Pagiging private citizen pinaghahandaan na ni PDu30

Pagiging private citizen pinaghahandaan na ni PDu30

May 30, 2022 @ 7:15 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagsimula nang magligpit ng gamit si Pangulong Rodrigo Roa Duterte pauwi ng kanyang tahanan sa Davao City.

Nakatakda na kasing magtapos ang termino ni Pangulong Duterte sa Hunyo 30.

Sinabi ni dating Special Assistant to the President at ngayon ay Senador Christopher “Bong” Go, nagsimula na si Pangulong Duterte na mag-impake ng kanyang mga gamit para ilipat sa kanyang tahanan sa Davao City upang manatili sa kanyang retirement bilang pribadong mamamayan kapiling ang kanyang pamilya.

Sa pagbaba ni Pangulong Duterte sa kanyang tanggapan ay kaagad siyang papalitan ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos na iproklama ito ng Kongreso noong nakaraang linggo.

Sinabi ng Chief Executive na ginawa niya ang lahat para sa mga mamamayang filipino at sa bansa sabay sabing sa nakalipas na anim na taon ay ginawa niya ang kanyang “best efforts”, handa naman siyang humingi ng paumanhin kung kulang pa iyon. Kris Jose