Pagitan ng pagbabakuna sa Sputnik V doses pinalawig ng FDA

Pagitan ng pagbabakuna sa Sputnik V doses pinalawig ng FDA

July 7, 2021 @ 5:02 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Inaprubhan ng Food and Drug Administration ang pagpapabago ng Gamaleya Institute ng Russia sa Emergency Use Authorization ng Sputnik V COVID-19 vaccine ukol sa pagitan ng pagtuturok ng una at ikalawang doses nito.

Ang hiniling naman na araw ng pagitan ng Russia ay 90 araw, pero sa inaprubahang pagbabago ng FDA, 43 araw na pagitan ang pinapayagan para maiturok ang ikalawang dose mula sa unang turok.

“Our vaccine experts recommended a maximum dose interval of 42 days. No problem in delaying the second dose, but if we give it within 42 days we have reason to believe that the results are going to be very good,” ani FDA Chief Rolando Enrique Domingo. RNT