Pagka-persona non grata, sinubok ni Bello sa Davao City

Pagka-persona non grata, sinubok ni Bello sa Davao City

April 21, 2022 @ 7:12 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kumportable pa ngang nakaupo si vice presidential candidate Professor Walden Bello sa pwesto ni Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa Sanggunian ng lungsod nitpng Miyerkules, at pabirong sinubok ang kanyang sariling persona non grata status sa lokalidad.

“Today while presiding at the Davao City Council, I declared all those who declared me persona non grata in Davao persona non grata in the eyes of the Filipino people,” tweet ni Bello.

Nasa Davao City si Bello para maghain ng counter-affidavit sa cyber libel suit na isinampa laban sa kanya ni Jefry Tupas, isang dating empleyado ng lungsod.

Nag-ugat ito sa sinabi ni Bello na dumalo si Tupas sa isang party na kalaunan ay ni-raid ng mga anti-narcotics agents. Tugon naman ni Bello na inuulit lang naman niya ang mga ulat ng media.

Noong nakaraang buwan, idineklara ng Davao City si Bello bilang persona non grata dahil sa pagsabi na ang lungsod ay sentro ng kalakalan ng droga sa katimugang Pilipinas.

Ang regional party ni Davao City Mayor Sara Duterte na Hugpong ng Pagbabago (HNP) ay inakusahan si Bello bilang isang “narcopolitician,” na sinabi na batay sa kanyang mga pahayag, “it’s apparent that [Bello] holds information about the illegal drugs but deliberately kept it from the Philippine Drug Enforcement Agency and the Philippine National Police,” and that by doing so he is a “narcopolitician.” RNT