Pagkaantala sa paglalabas ng COVID test results ng OFWs naresolba na- OWWA

Pagkaantala sa paglalabas ng COVID test results ng OFWs naresolba na- OWWA

January 16, 2022 @ 4:00 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Nakaranas din ang returning overseas Filipino workers (OFWs) ng pagkaantala sa paglalabas ng coronavirus disease (COVID-19) test results, subalit naresolba na umano ang problema, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) nitong Linggo.

“Bumagal iyong pag-process ng ating mga swab test result,” ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac.

“Pero noong nagkaproblema tayo, pero tapos na ‘yong ‘no, umabot ng mga 2 to 3 days. Mayroon pa nga cases na 4 days na paghihintay,” dagdag na pahayag ni Cacdac.

Aniya, naayos ng OWWA ng isyu sa tulong ng COVID-19 laboratories sa Cebu.

Sinabi rin ni Cacdac na makikipag-ugnayan ang pamahalaan mga pribadong laboratoryo sa pagtugon sa returning OFWs upang mapabilis ang pag-proseso ng RT-PCR tests.

Naiulat kamakailan ang pagkaantala sa paglalabas ng resulta ng COVID-19 test results dahil sa mataas na demand sa testing, sa paglobo ng kaso ng virus sa Pilipinas. RNT/SA