Pagkakaibigan ng PH-Tsina dapat pangalagaan-envoy

Pagkakaibigan ng PH-Tsina dapat pangalagaan-envoy

September 27, 2022 @ 8:58 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Dapat na mapangalagaan ang magandang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina dahil ito ay “inevitable choice for common development”, ayon sa China envoy to the Philippines.

Sa pagdiriwang ng ika-73 anibersaryo ng pagkakatatag ng People’s Republic of China, sinabi ni Chinese Ambassador Huang Xilian noong Lunes na “dapat nating pangalagaan ang pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas” dahil ito ang karaniwang adhikain ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

“We should cherish what we have achieved, stay committed to friendly cooperation to ensure that our friendship will last forever,” ani Xilian.

Dapat ding “palalimin” ng dalawang bansa ang kanilang pagtitiwala sa isa’t isa para matiyak ang matibay na pundasyon para sa relasyon ng China-Philippines.

Magagawa ito sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga komunikasyon sa mga isyu ng bilateral, rehiyonal at internasyonal mula sa isang estratehiko at pangmatagalang pananaw, sabi ni Huang.

Tulad ng binanggit ng dalawang pamahalaan bilang mahalagang bahagi ng kooperasyon—katulad ng agrikultura, imprastraktura, enerhiya at people-to-people—naniniwala si Huang na dapat itong bigyan ng pokus “upang matiyak ang matatag na paglago” ng parehong bansa.

“We are neighbors that cannot be moved away and have every reason to live together peacefully. We should put our differences in a proper place and seek peaceful solutions through friendly consultations so that our overall relations will not be affected,” dagdag pa ni Huang. RNT