Pagkakaisa ng Muslim, Kristyano, asam ni PDu30

Pagkakaisa ng Muslim, Kristyano, asam ni PDu30

April 29, 2022 @ 6:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na maisasantabi ng mga Muslim at Kristiyano ang galit at magtutulungan para sa kapayapaan.

Sa naging talumpati ng Pangulo sa 501 taong anibersaryo ng Victory of Mactan sa Lapu-Lapu City, Cebu, Miyerkules ng gabi, nanawagan ang Pangulo sa mga Muslim na bawasan na ang sama ng loob o galit sa mga Kristiyano na napapatingin sa kanila.

“Kayong mga Muslim kasi ‘pag tinitignan kayo para ka na ‘yung iniinsulto ka o masama kaagad ang reaction ninyo,” ayon sa Pangulo.

Gayunman, kinilala ng Punong Ehekutibo ang ginagawa ng mga Muslim na pagtanggap sa pagbati sa kanila ng “Assalamu alaikum”, tradisyonal na pagbati sa mga Muslim.

Hinikayat naman ni Pangulong Duterte ang mga Kristiyano na makipag-ayos sa mga Muslim, ayon sa Pangulo, ang mga taong may iba’t ibang pananampalataya ay hindi dapat tingnan na iba mula sa kanila.

“Kamo pung mga Kristiyanos try to, you know, make friends kay ang mga – tawo ra gud na, it’s just ‘yung religion nila. Wala na tayong away ngayon sa relihiyon whether it’s Allah or God the Father, it’s still the same for all of us,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Aniya, nais niyang mag-iwan ng “legacy” sa pamamagitan ng mga hakbang na naglalayong magkaisa ang dalawang pananampalataya.

“So try to mix. With the hope – ako ba, ang akong prayer is that someday we’d be able to unite the country minus…I don’t know if it’s still there, but ‘yung hatred ng Moro…” aniya pa rin.

Sa isinagawang pagpapasinaya ng Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) project, inulit ni Pangulong Duterte ang apela nito sa mga Muslim at Kristiyano na mas magiging mapagtanggap sa isa’t isa.

“I’d like to tell everybody including the Muslims — you know, my mother is a part Maranao…do not take offense by just being with a Christian and sometimes being you know ‘yung glances na ano, eh huwag ninyong…,” aniya pa rin.

Batid naman ng Pangulo na may ilang Muslim ang masama ang loob sa kung paano na sila ay Kristiyano na ngayon sa bansa, subalit hinikayat ang mga ito na tingnan ang kanilang mga pagkakaiba sa nakaraan.

“You have to embrace the Christians there because whether you like it or not, nandiyan na ‘yan eh . At saka tayo na mga Kristiyanos, eh wala na tayo . This is the only planet that we have,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo. Kris Jose