PAGKAKAISA PARA SA MALINIS NA HALALAN-BBM

PAGKAKAISA PARA SA MALINIS NA HALALAN-BBM

January 26, 2022 @ 9:07 AM 8 months ago


NANAWAGAN si Presidential Aspirant former Senator Ferdinand E. Marcos sa taumbayan ng pagkakaisa para sa malinis na halalan matapos na ibasura ng Commission on Election ang petisyon para ikansela ang kanyang COC.

 Abay ikinatuwa ng kampo ni former senator  Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., ang desisyon ng Commission on Elections sa pagtugon uma-no nito sa itinakda ng batas na nagbibigay ng karapatan sa kanya na tumakbo bilang Pangulo ng bansa na walang anumang diskriminasyon at harassment.

So ano pa e di tuloy-tuloy na po ang pagragasa ng UniTeam nina BBM-Sara.

Sa 32-pahinang desisyon ng Comelec Second Division na nilagdaan ni Presiding Commissioner Socorro Inting at sinang-ayunan nila Com-missioners Antonio Kho at Rey Bulay, iginiit nito na walang merito ang kaso kaya ibinasura nila ang petisyon laban kay Marcos.

Nauna nang iginiit ng mga petitioner na hindi maaaring tumakbo si Marcos sa kahit anong posisyon sa gobyerno dahil sa “false material representation” nito nang sabihin niya sa kanyang CoC na hindi siya naparusahan ng perpetual disqualification, pero kinontra ito ng Comelec at sinabing, “while such information was material, it was not false.”

Ayon sa mga abogado ni Marcos, base sa inamyendahang desisyon ng Court of Appeals  noong 1997, hindi direktang sinabi na sentensyado o nahatulan si BBM sa krimen na sangkot ang  moral turpitude at hindi rin sinabi na napatawan ng parusang pagkabilanggo ng hindi higit sa 18 buwan.

Kasabay nito ang panawagan naman ng kampo ni Marcos ng pagkakaisa para sa malinis at maayos na halalan sa 2022.

PAYOLA SA CAMANAVA, PATULOY

Sa Camanava area,  patuloy ang operasyon ng mga iligal na pasugalan sa kabila ng ipinaiiral na helath protocol ng gobyerno ay patuloy naman ang pasugalan sa nasabing districto.

Isang alyas King ang umano’y nangongolekta ng ilingguhang payola sa pasugalan na inooperate sa nasabing distrito pero nakapagtataka kung bakit hindi kumikilos si P/BGen.Jose Hildalgo para hulihin ito.

Magkano?????

oOo

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 0926719269 o i-email sa [email protected] o kaya’y sa [email protected]