Pagkakalat ng ‘personalized’ text scam, tutuldukan ni Poe

Pagkakalat ng ‘personalized’ text scam, tutuldukan ni Poe

September 7, 2022 @ 4:48 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakatakda nang tuldukan sa Senado ang pagkakalat ng “personalized” text scam at iba pang spam messages sa lahat ng social media platform matapos aprubahan ng Senate committee on public services ang pagsisimula ng pagdinig sa Huwebes at muntikan na rin siyang mabiktima, ayon kay Senador Grace Poe.

Sa ginanap na plenaryo nitong Lunes, inihayag ni Poe na kanyang pangungunahan ng unang pagdinig laban sa pagkakalat ng personalized text scam at iba pang spam messages na walang ibang layunin kundi manloko ng kapwa.

Naunang binanggit ni Senador Jinggoy Estrada sa kanyang privilege speech na nananawagan sa pagsugpo ng text scam na nagiging malala at masyado nang matatapang at madalas.

Dahil dito, ibinahagi din ni Poe ang sariling pagkadismaya tulad nang nangyayari sa kapwa senador na naging biktima ng text scam nitong nakaraang linggo.

Ayon kay Poe, isang caller ang nagpakilalang bilang Philippine ambassador na humihingi ng suportang pinansiyal para sa kanyang pamilya na nasa bansa.

Tumigil lamang ang caller nang hilingin ni Poe na magkaroon silang ng virtual meeting kasama ang ilang kinataan ng Department of Foreign Affairts upang mapatunayan ang kanyang pagkakakilanlan dahil nanghihinala ang senador sa kahilingan nang nagpapanggap na ambassador.

Sinabi pa ni Poe na muntik na rin siyang mabiktima ng isang taong nagpanggap na opisyal ng Senado.

“If we, senators, who have a complete staff work wherein every transaction goes through a vetting process, are affected by these, what more our ordinary countrymen? How would they be able to verify the messages sent to them?” aniya.

Sinabi ni Poe na tatalakayin ng komite ang ilang panukalang batas na humihiling sa pagpaparehistro ng lahat ng subscriber identity module (SIM) cards kabilang ang kanyang panukalang Senate Bill No. 999 na kanyang inihain muli nitong Hulyo.

Nitong 18th Congress, inisponsor ni Poe ang SIM Card Registration Bill na pinagtibay at niratipikahan ng Senado at Mababang Kapulungan ngunit vineto ni Pangulong Duterte.

“Until we have that SIM card registration, this will keep occurring on a regular basis,” giit ni Poe. Ernie Reyes