Pagkakalbo ng kagubatan na nagdulot ng pagbaha isinisi ni PDu30 sa mahihirap

Pagkakalbo ng kagubatan na nagdulot ng pagbaha isinisi ni PDu30 sa mahihirap

November 18, 2020 @ 9:30 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sinisi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga low-income family sa   “deforestation” dahilan para lumubog sa mataas na tubig-baha ang ilang lalawigan dahil sa bagyong Ulysses.

Ang deporestasyon ay ang paglinis sa mga kagubatan sa pamamagitan ng pagtrotroso o pagsusunog ng mga puno na maaaring ibenta bilang isang kalakal ang mga puno o hinangong uling at ginagamit ng mga tao, habang ginagamit bilang isang pastulan, taniman ng mga kalakal, at tirahan ang mga kinalbong lupain.

Sa public address ni Pangulong Duterte, Martes ng gabi ay sinabi nito na ang mga mahihirap na komunidad sa mga sakahan o bukirin ay nagpuputol ng puno para gamitin na pangtayo ng kanilang bahay dahilan para magkaroon ng deforestation.

“‘Yong average Pilipino, they cannot afford a concrete house so halos lahat dyan, let us use the word being understood by all, ‘yang mga squatters, puro kahoy ‘yan. Bibili ‘yan including coconut wood,” ayon sa Pangulo.

“Ang problema niyan sa bukid talagang magpuputol ‘yan ng kahoy because ang mga Pilipino, ‘yan lang (ang kaya). Saan naman sila kukuha ng semento? Where do they cut the trees? In Canada? Or pupunta pa sila sa South America o Africa? So kung anong makita nilang nabibili sa small-scale… karamihan ‘yan ang ginagawang bahay ng mga tao,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

Aniya pa, ang pagtaas ng populasyon ng mga mamamayan kada taon ay sinasabing dahilan din ng pangangailangan ng ilan na magputol ng puno.

“Magtatayo ng bahay and the temptation to cut the trees and bring it there to the lower land ay really to build houses kaya ‘di yan mawawala,” ani Pangulong Duterte.

Ito ang dahilan ayon sa Pangulo kaya’t  mapanghas siya ngayon na resolbahin ang problema sa illegal logging.

Sa ulat, pinaiimbestigahan na ni Pangulong  Duterte kay Enrivonment Secretary Roy Cimatu ang umano’y illegal mining na dahilan ng malawakang landslides at pagbaha sa kasagsagan ng bagyong Ulysses sa lalawigan ng Cagayan at Isabela.

Ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa ginanap na situation briefing sa Cagayan ang malalimang imbestigasyon sa usaping ito kung saan maaa­ring ang talamak na mining activities umano sa nasabing lalawigan ang dahilan ng pagguho ng mga lupa, kaya nagkakaroon ng landslide doon lalo na tuwing malakas ang buhos ng ulan.

“Kapag maraming butas, maraming tubig na pumapasok sa loob ng lupa. That’s why, kapag ano… landslide. It loosens the soil. So kaya ang mining, maraming butas, yan ang i-control mo,” utos pa ng Pangulo kay Cimatu. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...